Zsa Zsa, binura ang pangarap na kasal!

Wala nang atrasan ang comeback concert ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla upang ipagdiwang kanyang 42nd anniversary sa entertainment industry.
Dalawang taong naudlot ang concert na ito. Supposedly ay 40th anniversary celebration ito ni Ms. Zsa Zsa na through the years, maraming mga salita ang ginamit para tukuyin siya – iconic, brilliant, fabulous – ngunit para sa mga nakakakilala sa kanya, siya ay isang inspirasyon at isang absolute survivor.
Kailangan niya munang magpagaling sa kanyang medical condition na pinagdaanan since birth.
Ipinanganak siya na may mega ureter. Ang kaliwang ureter niya ay kasing laki ng sausage kung saan dapat ay manipis na tubular structure lang ito tho ang kanan nito ay normal.
Kaya naman sa loob ng maraming taon, nagkaroon siya ng walang katapusang pakikipaglaban sa UTI (urinary track infection) at naging routine na ang pag-inom ng oral antibiotic.
Noong 2007 unang nadiskubre ng mga doktor ang kanyang sakit.
Kaya kinailangan niyang dumaan sa dalawang operation dahil sa nasabing karamdaman.
Una siyang nagkaroon ng open surgery noong 2007 matapos niyang gawin ang pelikulang Zsa Zsa Zaturnah upang tuluyang itama ang kanyang kaliwang ureter.
Pero muli aniya siyang nagkaroon ng impeksyon na mas mahirap gamutin.
Umaasa siya sa mga antibiotic pero nakita na nagkakaroon na siya ng (pee) reflux at ang pag-andar ng kanyang kaliwang bato ay mas mababa kaysa sa karaniwan.
Past forward: Pumunta siya sa US noong Enero 2024 ngunit pinayuhan na huwag operahan.
Kaya pagbalik niya ng bansa, may mga naririnig siyang mga nagpapagamot sa Singapore. Kaya’t nagtanung-tanong siya sa kanyang mga kaibigan tulad ng bilyonaryong negosyante na si Alice Eduardo kung pwede siyang i-refer.
Aniya, binigyan siya ng office number na nakabase sa Manila. At nakipag-coordinate sila sa mga doktor na makatutulong sa kanyang problema.
Naging madali ang lahat. Sumailalim siya sa robotic operation sa Singapore. At aniya ay wala siyang naramdamang sakit, hindi rin gaanong matagal ang kanyang recovery. Wala rin itong gaanong peklat.
Sa kasalukuyan ay umiinom pa rin siya ng antibiotics pero wala na siyang sakit na nararamdaman.
Anyhow, through ups and downs, standout si Zsa Zsa sa pagiging isang artist na patuloy na namamayagpag sa recording, film, television, at live concert stage.
Kaya naman marami ang excited dahil babalik ulit si Zsa Zsa sa live stage – dazzling as ever – at gagawa siya ng gabing ‘di malilimutan sa kanyang upcoming concert na pinamagatang Zsa Zsa: Through the Years, sa May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.
Pangako nito ang isang gabi ng “music, memories and heartfelt moments,” at ayon kay Zsa Zsa ang event na ito ay “not just a concert, but a celebration of an incredible journey, a tribute to all the wonderful mothers [as the event happens around the time of Mother’s Day] and a pre-birthday treat for all of us to enjoy,” na binura na ang pangarap na kasal sa karelasyong si Conrad Onglao na isang sikat at bigating architect sa bansa.
Ayon kay Jackie Forster...mental health ni Kobe pinaglaruan daw ni Kyline!
Awwss, cry to death diumano si Kyline Alcantara nung nakita nito sa social media ang post ni Jackie Forster na pagtatanggol sa ex niyang si Kobe Paras.
Nasa taping daw ito ng All-Out Sunday nung kumalat sa social media ang nasabing video statement ng ina ni Kobe nang biglang mag-iiyak si Kyline.
Anyway, pinayuhan naman ang Kapuso star na ipahinga muna ang lovelife at asikasuhin ang career.
At higit sa lahat humanap ng jowang walang nanay.
Funny, pero messy daw ang mga napapasukang relasyon nila Kyline.
Nauna na rito na hindi rin maganda ang impression sa kanya matapos ang hiwalayan nila ni Mavy Legaspi kung saan hindi man tulad ng mga litanya ni Jackie, pero na-involve rin noon si Carmina Villaroel bilang pagtatanggol sa anak.
Naglabas nga ng statement si Jackie at bahagi nito : “If you’re a victim, you’re a victim of your own doing. Your actions have consequences. For someone who is supposed to be a mental health advocate, it bothers me to know that you have been playing with Kobe’s mental health throughout your relationship.
“So, yes, we too Kyline, we keep proof. Sana nga, hindi na kailangang i-share.”
Bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag ni Kylie.
- Latest