Kris, gusto nang magka-jowa si Bimby

Sobrang proud si Kris Aquino sa kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap who just turned 18 years old last April 19
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ipinasilip niya ang simpleng birthday celebration ni Bimby kung saan nga ay makikitang kahit may sakit si Kris ay masaya pa rin siyang nakisaya sa pagdiriwang.
When asked kung ano ang birthday wish niya for Bimby, sey ni Kris, it’s more of a prayer na kung gaano raw kabait ang kanyang anak ngayon, sana raw ay manatili itong ganito kabait hanggang sa pagtanda nito.
Sinabi rin ni Kris na gusto niyang maging inspirasyon si Bimby to other kids hindi lang dahil sa mabubuting traits nito kungdi dahil sa pag-aalaga nito sa ina. “Normally kasi ‘di ba, ang nag-aalaga, nanay sa anak. Na-reverse na ‘yan talaga,” ani Kris.
Ipinakita nga niya ang larawan kung saan ay nakatingkayad siyang naglalakad habang inaalalayan ni Bimby.
“Ilang beses niya akong binuhat talaga dahil may isang gamot ako kasi na when I walk, it’s tilted like that. Tilted ako dahil feeling ko ‘yung ano, tilted din. Tapos, tumatama ako kung saan-saan kasi hindi ko nare-realize. Kasi ‘yun ang effect ng gamot. So, ang ginagawa niya, he just carries (me), isang tsuk. . . ‘yun na,” paliwanag ni Kris.
Ngayong 18 na si Bimby, inamin ni Kris na pinu-push na niya ang anak na magkaroon na ng girlfriend. In fact, may 3 girls daw siyang napupusuan for him at may isa roon na mas favorite niya among the 3 dahil feeling niya ay bagay raw ang dalawa.
Ipinaalala naman ni Ogie na dati, ang wish ni Kris ay sana’y umabot siya sa 18th birthday ni Bimby. At ngayon ay natupad na ito.
Wika ni Kris, ang wish naman niya ngayon ay 7 years more pa dahil dream niyang makita si Bimby na nanunumpa as Mayor. “Because gusto niya, marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao. Alam kong oh my gosh, sobrang honest nito, so hindi ‘yan talaga magnanakaw at all. And magaling mag-budget. So, maalagaan niya ‘yung mga tao,” ani Kris.
Sa ngayon daw ay namimili pa sila kung saang lugar tatakbong Mayor ang anak dahil may 4 choices daw ito. “Sana, buhay pa ako (kapag naging Mayor si Bimby),” ang wish ni Tetay.
Paga-assure naman ni Bimby sa nanay niya, “buhay pa.”
Pinuna rin ni Ogie na maganda ang skin ni Kris ngayon at sey naman niya, 32 pieces of medicines daw araw-araw ang kanyang iniinom. “A lot of vitamins, supplements and maintenance,” ani Kris.
Jak, ‘di akalaing magkakaroon ng bonggang bahay
Aminado si Jak Roberto na talagang hindi madali ang pinagdaanan niya para lang maitayo ang pinangarap niyang sariling bahay.
Matatandaan nga na nitong nakaraang Marso, ipinasilip ng Kapuso actor ang construction update ng kaniyang dream home na aniya ay 95% finished na.
“Kung iisa-isahin ko, baka bukas tayo matapos dito. Pero ito lang lagi kong sinasabi pagka may bisita ako or ‘yung mga ka-close ko ‘pag nakaupo na kami roon sa bahay, especially dun sa dining area. Parang sinasabi ko dati hindi ko alam kung matatapos ba ito. Kasi nagsimula siya, nakita ko from lupa pa lang, tapos naging structural na rough finish.
“Tapos ako na talagang nag-out source ng mga bintana, pinto, tiles. Tapos hindi lang ‘yun isipin mo ‘pag nagpagawa ka ng bahay, gastos na, stress pa!” aniya.
“Sobrang challenging talaga, but nung natapos ‘yung bahay napaka-fruitful talaga,” dagdag pa ng binata.
Aminado rin siyang hindi niya rin inakala na magkakaroon siya ng sariling bahay. Pero ngayong nagawa na niya, kitang-kita sa aktor ang pagka-proud sa kanyang latest achievement. “Parang hindi ko ma-imagine (at) never ko na-experience na magkaroon ng sariling bahay. Sabi ko ngayon, mas malaki pa ‘yung walk-in closet ko sa mga kuwarto ko na natutulugan before. So, grabeng achievement,” saad niya.
- Latest