Gwaping junior actor, walang masyadong laman ang utak
Gwaping ang junior actor na ito kaya naman mabenta siya sa TV at movies para maging leading man.
Hindi nawawalan ng project ang junior actor mula nung nagkaroon siya ng break nung panahon ng pandemic hanggang ngayon.
Eh hindi man kagalingan sa pag-arte ang junior actor, hindi problema ito sa mga kumukuha sa kanya dahil maamo ang mukha kaya hindi nakakasawang tingnan.
‘Yun nga lang, hanggang pag-aartista na lang siya. Kasi kapag natatanong sa media event na present siya, paikut-ikot ang sagot sa simpleng tanong na puwedeng sagutin ng yes or no, huh! Lalo na pagdating sa lovelife at issues na bumabalot sa kanya.
Mukha mang artista si junior actor, turn off pa rin siya dahil walang laman ang sinasabi, huh! Mas mainam na tingnan siya at huwag nang pakinggan!
Jackie, todo ang pagtatanggol kay Kobe
NAKAKATAWA ang reaksyon ng mga netizens sa latest na hanash ni Jackie Forster sa hiwalayan ng anak niyang si Kobe at GF na si Kyline Alcantara, huh!
Taking cudgels kasi si Jackie para sa anak na si Kobe na nananatiling tahimik sa isyu! Kaya naman ang madir na si Jackie ang nagtatanggol sa anak!
Kaya naman ang payo ng mga netizens kay Kyline, huwag magdyowa na buhay pa ang nanay! Nang sa gayun eh wala nang kokontra sa kanya!
Dahil sa social media, it matters na sa para sa netizens ang kanilang opinyon sa mga issue, huh! Ganun? Hahaha!
- Latest