Kyline, pinayuhang mag-jowa ng walang nanay

May payo ang mga fans kay Kyline Alcantara sa susunod na makikipagrelasyon siya at marami ang sumang-ayon sa nagpayo. Sabi lang nito, “Girl, sa susunod na magjojowa ka ‘yung walang nanay.”
Nagka-isyu na kasi si Kyline kay Carmina Villarroel nang mag-break sila ni Mavy Legaspi at nangyari uli ngayon sa break-up nila ni Kobe Paras. Kaya umiwas daw muna siyang ma-in love at magka-jowa ng may nanay dahil baka maulit ang nangyari sa dalawa niyang ex.
Ang mom ni Kobe na si Jackie Forster ang nagsalita at nagtatanggol kay Kobe dahil sabi ni Jackie, hindi magsasalita ang anak.
May nagpayo pa kay Kyline ng “don’t feel the need to respond to that video (video ni Jackie). Don’t give them the satisfaction of seeing you react. Your silence already speaks volumes—it shows who truly holds grace and strength in this situation.”
Sa video ni Jackie, sinagot ang isyu na ginamit ni Kobe ang car ni Kyline, totoo raw ito dahil pinapagawa ng anak ang car nito. Ang itinanggi ni Jackie ay ginamit ni Kobe ang car para mag-cheat.
Dawit pala si Benjie Paras sa video ni Jackie, sinabihan daw si Benjie na i-deny na break na sina Kobe at Kyline dahil sa kontrata nila for an endorsement. Kaya nang tanungin ni Gorgy Rula si Benjie, sa break-up ng KyBe, itinanggi nito.
So far, ang break-up nina Kyline at Kobe ang pinaka-messy showbiz break-up. Sinabi ni Jackie na may mga resibo pa siyang ilalabas, kapag siguro na-feel niyang nadedehado si Kobe.
Coco, naki-join sa palengke tour ni lito
Walang kapaguran si Coco Martin sa pagtulong na ikampanya para muling maupo na sendor ang kaibigan at iniidolo niyang si Senator Lito Lapid. This time, hindi lang sa miting ng senador sumama si Coco, kundi maging sa motorcade ni Lito sa ilang palengke sa Quezon City.
Mainit ang pagsalubong at pagtanggap ng mga residente sa ginawang pag-ikot ng dalawang action superstars sa Batang Quiapo na labis nilang ikinatuwa.
“Nakakataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mg kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at suporta nila ay susuklian ko ng tapat at malinis na paglilingkod,” pangako ng senador.
Si Lito ay isa sa may akda ng Expanded Senior Citizens Law o Republic Act No. 10645 na nagbibigay ng mandatory membership sa Philhealth ng mga senior citizens.
Michael, nasabik sa cell phone
Napanood namin ang reels nang ibigay kay Michael Sager ang kanyang cell phone at muling hawakan. Hindi nito alam kung ano ang ire-react at parang hindi na sanay na may hawak na cell phone. Tsinek namin ang Instagram ng Kapuso aktor, wala pa siyang bagong post.
Sabagay, busy sina Michael at Emilio Daez, ang kasama niyang na-evict sa Bahay ni Kuya. Nag-guest sila sa It’s Showtime at si Michael, pasok na bagong host-mate sa Unang Hirit. One week siya mapapanood araw-araw at second day niya today.
Nakakatuwa na naging close sina Michael at Emilio at inimbita pa nga si Michael sa wedding ng sister ni Emilio.
May mga nagre-request din ng bagong series nina Michael at Jillian Ward, nabitin daw sila sa My Ilonggo Girl.
- Latest