Nay Lolit, naging suki ni Nora
In a way ay nanghihinayang si Nay Lolit Solis na hindi na siya pwedeng makalabas lagi at dumalaw, makipaglamay.
Naging malapit siya sa namayapang si Nora Aunor, pero hindi siya nakadalaw sa burol nito.
Matagal-tagal na siyang hindi nakakadalaw sa wake ng mga kaibigan niya na nauna na dahil sa kanyang kondisyon kung saan siya nagda-dialysis ng twice a week.
Wala naman daw siyang nararamdamang sakit physically pero she lives by the day.
“Kasi ‘yun ‘yung parating prayer ko na ayokong mag-last ng matagal ‘pag in-pain ako. Gusto ko mabuhay nang mahaba kung hindi ako in pain. Quality of life talaga. Basta wala akong nararamdaman, okay lang sa akin. Pero pagka meron, ayoko na.”
Buti nakakalabas ka ngayon, Nay?
“Ano naman ako eh, basta when I wake up in the morning, good ang ano ko... ayan.”
Anong sabi ng doktor?
“Ayun nga daw, dahil nga raw dun sa defect ng ano ko... Sirang-sira na daw ‘yung isang kidney ko.”
Kinakapos ka ng hininga, ‘no?
“Oo, at saka parang nanghihina ako.
“Parang nanghihina ka. At saka bawal na bawal sa akin ang tubig. Dapat 1 liter lang ako sa isang araw.”
Pero siyempre hindi siya Lolit Solis kung mabait siya at susunod sa kanyang mga doctor.
Hahaha.
- Latest