^

Pang Movies

Alden, susubok mag-piloto!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tinupad na nga ni Alden Richards ang pangarap niyang maging piloto. He just recently enrolled in Alpha Aviation Group, a pilot training school in Clark, Pampanga.

Ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang mga larawan niya nang magtungo siya sa nasabing flight school para mag-enroll.

“Reaching new heights, one flight at a time,” caption ni Alden.

Kinumpirma niya ang ginawang pag-e-enroll sa kanyang Instagram Story. Ini-reshare niya ang article ng GMA 7 online na may titulong “Did Alden Ri­chards just enroll in a flight school?”

Sa ibaba ay sinagot ng aktor ang nasabing katanungan. “Yes po,” aniya.

Makikita rin sa kanyang IGS na nakaupo siya sa flight simulator at aniya sa caption, “first time landing an A320 via flight simulator.”

Mapapanood din ang pagbisita niya sa Aerospace Museum ng Philippine Air Force as reported by TV5.

Aniya, “alam n’yo guys, bata pa lang ako, dream ko na talagang maging pilot, parang na-inherit ko siya sa genes ng dad ko. Kasi ‘yung dad ko before, hindi naman niya gustong mag-management course, eh.”

Aniya, kung hindi raw siya naging artista ay baka piloto na raw siya ngayon at nagpapalipad na ng eroplano.

Makikita ngang nilibot ni Alden ang nasabing museum. Sey pa niya, gusto rin daw niyang maging astronaut.

“On top of that, gusto ko ring maging scientist kaya lang, may nakapagsabi sa akin na hindi ka raw pwedeng maging astronaut kung ‘di ka scientist. So, ang dami-daming kukuning course, baka tumanda na lang ako, hindi pa ako nakakatapos mag-aral,” tsika ni Alden.

Ruffa, gwardyado sa pagkikita nila ni Yilmaz!

May blessings naman daw ng boyfriend ni Ruffa Gutierrez na actor-politician na makasama ng aktres ang ex-husband na si Yilmaz Bektas kapag umuwi ng Pilipinas ang Turkish businessman.

Ngayong Mayo ang plano ni Yilmaz na pag-uwi sa bansa para makapiling ang mga anak nila ni Ruffa na sina Lorin and Venice.

Pero ang gusto ni Yilmaz ay kasama rin si Ruffa sa bonding nilang mag-aama.

Good thing, understanding naman ang karelasyon niya at pinayagan niya si Ruffa.

“Ah, good sige, mag-enjoy kayo,” sey raw nito kay Ruffa.

Pero ang sabi raw nito ay “mag-enjoy kayo for a day.”

Dagdag pa ni Ruffa, “hindi niya sinabing ‘mag-enjoy kayo for 2 weeks,” sabay-tawa.

Pero ayon nga rin sa aktres, sobrang chill lang ang love life niya ngayon at walang kanega-nega. Malaking tulong nga raw na low-key lang ito at hindi nila masyadong pino-flaunt.

“It’s not a secret, but you know, it’s there and it’s not something that I share online all the time. I feel na ‘pag private kasi, kung hindi naman kailangang i-flaunt, mas importante ‘yung what happens behind social media. Hindi naman lahat, kailangan nating i-broadcast, ‘di ba?” aniya.

Happy raw siya sa kanyang love life ngayon dahil walang ka-stress-stress. Hindi raw ito ‘yung tipong kailangan mo pang hanapin sa gabi at kung saan-saan daw nagpupunta.

“Eto, mas nauuna pang natutulog kaysa sa ‘kin, 10:00 (p.m.) tulog na,” natatawa pang sabi ni Ruffa.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with