Piolo, ‘di sineseryoso ang tsinoy model?!

Pinag-uusapan ngayon sa showbiz ang sweet photos ni Piolo Pascual at ng isang Filipino-Chinese model na si Kim Rivera.
Mismong ang modelo ang nagbahagi ng mga larawan sa Instagram kung saan ay makikitang very sweet sila sa isa’t isa ni Papa P.
Sa mga photo ay tila nasa beach ang dalawa at parehong naka-swimwear.
Sa isang larawan ay makikitang nakahilig pa si Kim sa balikat ni Piolo. In one photo naman ay hinahalikan ng aktor ang buhok ng modelo.
Kaya naman ang tanungan ng mga netizen and fans ay kung girlfriend na ba ni Piolo si Kim.
Sa comment section, may nagtanong na netizen ng “Is that Papa P?”
Ang pabirong sagot ng modelo, “Kamukha lang po.”
Well, if true na may nagpapatibok na ng puso ni Piolo, for sure ay marami ang matutuwa na finally ay nakatagpo na ang aktor ng babaeng mamahalin after so many years.
Sa recent interview nga niya ay sinabi niyang 13 years na siyang single at nasanay na rin daw siya sa ganitong sitwasyon. Aniya pa, hindi rin naman daw siya naghahanap ngayon ng seryosong relasyon.
Bimby, mas gustong maging abogado
Hindi na raw itutuloy ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino ang naunang plano niya na pumasok sa showbiz.
Ayon sa binata sa kanyang panayam kay Ogie Diaz at anak nitong si Erin, mas gusto raw muna niyang mag-focus sa pag-aaral at sa pag-aalaga sa kanyang Mama. “School muna, taking care of mama, next year college na ako, Tito Ogie, I’m old na,” sey ni Bimby who recently turned 18.
Next year nga ay papasok na sa kolehiyo si Bimby at ibinahagi niyang Legal Management ang kukunin niyang kurso dahil gusto niyang maging lawyer.
Bilang galing sa pamilya ng mga pulitiko, bukas din ang isipan niya sa posibilidad ng pagpasok sa pulitika at aminado siyang isa ito sa mga option na pwede niyang tahakin. “It’s always an option, eh, sabi ni Lola (Corazon Aquino) and my mom said and my family who entered politics, ‘it’s a calling eh,’” he said.
Pero alam din naman niyang malaking hamon din ang kaakibat nito. “Siyempre it’s not an easy job, but it’s a job that can help so many people. Alam mo naman sa pulitika, hindi naman toxic, Tito Ogie, but you have to be careful talaga, there’s a saying na, ‘There’s no permanent friend in politics, and there the wind blows,’ you have to be careful talaga,” aniya pa.
- Latest