^

Pang Movies

Bimby nangangampanya na, future senator daw!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bimby nangangampanya na, future senator daw!
Bimby

Ang bongga naman ng anak ni Kris Aquino na si Bimby na nangangampanya raw para sa isang kumakandidatong mayor sa Tarlac.

Makikita ang mga video na kasama rin si Bimby sa nagha-house to house.

Ang lakas ng karisma ni Bimby na lutang ang pagiging mabait niya.

Marami pa nga raw ang nagulat na ang galing makibagay ni Bimby sa masa lalo na’t common knowledge ang estado niya sa buhay.

Marami ang pumuri sa ginawang pagpapalaki ni Kris sa anak niya dahil lutang ang kabaitan nito ngayon. Wala itong kaarte-arte sa katawan ha.

Makikitang talagang lumalapit ito sa mga nagkakagulong mga tao at mapagkakamalan pa nga raw na ito ang kumakandidato.

Sakto nga at kaka-18 years old lang nito kaya pasok na itong botante kaya walang masasabi ang iba na kung bakit ito nangangampanya.

Ngayon pa lang mukhang may potensyal na siya sa pulitika na wala namang duda dahil nananalaytay sa dugo niya iyon lalo na at dating presidente ang lola niyang si late president Cory Aquino at tiyuhin niyang si P-Noy. Ganundin ang namayapa niyang lolo na si Ninoy Aquino.

At ang gwapo ni Bimby na mala-heartthrob ha.

Bongga.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with