^

Pang Movies

Maymay, hindi agad nakapaniwala na magiging Princess

Salve V. Asis - Pang-masa
Maymay, hindi agad nakapaniwala na magiging Princess
Maymay

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging big winner ng PBB hanggang sa pagiging aktor, naging susi sa tagumpay ni Maymay Entrata ang kanyang unique na charisma at ang kanyang pagiging totoo.

At sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya, ibinahagi niya ang kanyang opinyon tungkol sa kasalukuyang PBB Collab Edition: “Sino ba naman po tayo para hindi bigyan ng chance ‘yung mga taong nagkakasala, eh tayo, hindi rin tayo perpekto. Sa madaling salita, sana instead of pulling people down, why not just help each other up to be better?”  

Bukod sa akting at hosting, pinasok rin ni Maymay ang larangan ng musika. Nakatanggap ng magagandang reviews ang kanyang debut single na Toinks hanggang mas lalo pang nakilala si Maymay bilang si Amakabogera herself na kaparehong titulo ng kanyang hit song.

Isa marahil sa highlight ng karera ni Maymay, napili siyang kumanta ng Filipino version ng iconic na Snow White theme song na Nasaan ang Hiling?

“Una, nung sinabi sa ‘kin, talagang hindi ako makapaniwala. Hindi nagsi-sink in sa’kin. Tapos pangalawa, sabi ko, ‘Magiging princess ako?!’ And knowing Disney, alam natin lahat ‘yan—lahat ng mga Disney princesses, very timeless ‘yung story nila. And for me to be a part of it… talagang dream come true talaga sa ‘kin,” sabi pa ni Maymay.

Anyway, kahapon nga ay trending si Maymay dahil sa Netflix mini-series na Happy Crush sa direksyon ni Carlo Catu kung saan ay katambal niya si Kelvin Miranda, habang malapit nang lumabas ang bagong album niya na pinamagatang Reborn. Kabilang dito ang pinakabagong single na Paradise, pati na ang isang kantang isinulat niya habang nasa music camp. Ang album, na isang kolaborasyon kasama ang mga songwriter mula sa US, ay simula ng kanyang mga plano na palawakin ang kanyang music career sa international scene.

MAYMAY ENTRATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with