Mga nangangampanyang senador, tinularan si Bong!
Nilait at pinagtawanan noon ang ginawang Budots Dance ni Senator Bong Revilla, Jr. bilang campaign video nang tumakbo bilang senador.
Kung anu-anong smear campaign naman ang ginawa ng holier than thou na election critics gaya ng huwag itong iboto dahil hindi niya ito trabaho bilang senador.
Fast forward sa kampanya ngayon ng ilang senador. Umiindak-indak na rin sila sa video campaign, huh!
Gumaya na rin sila para nga naman magmarka ang istilo ng kampanya nila para iboto.
Eh sa campaign ads ni Senador Bong, simple na lang ito at ang mga nagawa niyang batas ang ipinagmamalaki!
Now, banatan ninyo ang mga senatoriable na umiindak-indak rin sa kanilang kampanya,huh!
Alynna, ‘di nakapunta sa burol ng partner
Sa Walk of Fame sa Eastwood City nag-alay ng bulaklak ang partner ng yumaong singer na si Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez.
Eh sa post ni Alynna, beyond her control ang hindi niya pagpunta sa burol ng namayapang partner.
Wala namang reaksyon sa ginawang ito ni Alynna ang isa sa anak ni Hajji na si Rachel Alejandro. Kanya na lang inaalala ang pagpapalaki sa kanila ng ama.
Stage 4 colon cancer ang ikinamatay ni Hajji na binigyang tribute sa wake ng nakasabayang OPM at co-hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga.
Parang concert ang ipinatikim ng hitmakers na may kasamang biro sa bawat salita nila!
- Latest