^

Pang Movies

Hajji na-cremate na, Rachel ‘di umabot

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Hajji na-cremate na, Rachel ‘di umabot
Rachel at Haji

Isang araw lamang pinaglamayan sa Heritage Park ang cremated ashes ng OPM hitmaker and music icon na si Hajji Alejandro nung nakaraang Miyerkules, April 23.

It was an intimate and very private wake na dinaluhan lamang ng pamilya ng namayapa, his close friends in and outside showbiz, at ilang kasamahan sa industriya na sina Rey Valera, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Jim Paredes and Buboy Garovillo ng APO Hiking Society, Pops Fernandez, Eva Eugenio, Carlo Orosa at iba.  

Wala sa nasabing wake ang isa sa mga anak ni Hajji, ang singer-actress na si Rachel Alejandro na pabalik pa lamang ng Pilipinas galing Amerika.

Maraming mga kasamahan sa industriya ni Hajji ang nalungkot sa maaga nitong paglisan at mas lalo silang nalungkot na hindi man lamang sila nakapagbigay ng kanilang huling respeto sa isang music legend dahil isang gabi lamang ang lamay.

Nag-alay ng isang kanta ang mga kasamahan ni Hajji sa The Hitmakers na sina Rey, Marco at Nonoy at kinanta nila ang paborito ng yumao na kinompos, kinanta at pinasikat ni Rey Valera, ang Kahit Maputi Na ang Buhok Ko. 

Ang nasabing awitin ay madalas kantahin ng grupo (The Hitmakers) as their finale number sa kanilang mga show at concert.

Bago kinanta nina Rey, Marco at Nonoy ang nasabing awitin ay nagbigay-pugay muna ang tatlo at ibinahagi ng tatlo ang kanilang masasayang alaala.

“Kakaiba ang sense of humor ni Hajji,” pagbabahagi ni Nonoy Zuñiga na mas pinaboran ang kanyang singing career kesa sa kanyang pagiging isang doctor.

“Iba rin ang disiplina ni Hajji pagdating sa trabaho,” patuloy ni Nonoy.

“He was so professional. Siya rin ang gumagawa ng script every time may show kami,” dugtong pa ng singing doctor na si Nonoy.

Kahit nalagasan na sila ng dalawang miyembro sa The Hitmakers, sina Rico J. at Hajji, ipagpapatuloy pa rin nina Rey, Marco ang Nonoy ang grupo na bitbit ang magagandang alaala nina Rico J. at Hajji.

Ang The Hitmakers ay binuo ni Boss Vic del Rosario, Jr. ng Viva na sina Rico J. at Hajji lamang ang magkasama.

Nang sumunod na taon ay isinama sa dalawa si Rey Valera at nung 2003 ay idinagdag sina Marco at Nonoy kasunod na rito ang kanilang sold-out concert sa Araneta Coliseum nung April 2003 na nagkaroon ng repeat the following month (May).

Ang kanilang Araneta Concert ay sinundan ng kanilang ng successful concert tour sa Amerika at sa iba pang bahagi ng ibang bansa including Canada at Europe. Dito ay lalo lamang naging close silang limang miyembro hanggang pumanaw si Rico J. nung Oct. 30, 2018. Almost seven years later ay sumunod naman si Hajji.

“Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala na wala na si Hajji,” ani Marco.

“Nakakalungkot isipin na dalawa na sa aming mga kasamahan sa grupo ay wala na,” ani Rey.

“Since pare-pareho kaming entertai­ners, the show must got on,” deklara ni Nonoy, who lost his other leg dahil sa pagsabog ng bomba nung Oct. 4, 1980 sa dating Philippine Plaza Hotel kung saan sila regular na nagpi-perform.

Hindi naman makakalimutan ang petsa ng kamatayan ni Hajji dahil kasabay niyang namayapa ang well-loved ng mga Filipino at ng buong mundo na si Pope Francis ng Vatican.

Kung isang gabi lamang ang burol kay Hajji nung April 23, ongoing naman ang public viewing sa mahal na Santo Papa na si Pope Francis sa St. Peter’s Basilica in Rome hanggang sa araw ng kanyang libing sa darating na Sabado, April 26, 2025.

HAJJI ALEJANDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with