^

Pang Movies

Yilmaz, may special request kay Ruffa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yilmaz, may special request kay Ruffa!
Ruffa Gutierrez
STAR/File

Inamin ni Ruffa Gutierrez na excited na rin siyang matuloy ang pagpunta ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas sa Pilipinas to spend time with their kids, Lorin and Venice.

Ngayong Mayo raw ang plano ni Yilmaz na bumisita sa Pinas at two weeks itong mag-i-stay sa bansa.

Pero heto na nga ang siste, after kumpirmahin ng Turkish businessman sa kanyang Instagram account kamakailan ang pagpunta sa bansa, ayon kay Ruffa ay napakarami raw nag-react na mga babae at inaaway siya.

Inaway nga rin daw niya si Yilmaz dahil sa pagme-message sa kanya ng girls na ito at ang sabi lang daw nito sa kanya ay “don’t mind them.”

Tungkol sa posibilidad ng pagbabalikan nila ng kanyang ex-hubby, ani Ruffa, “hindi ko pa siya nakikita since 2008, so tingnan muna natin. Pumunta muna siya dito, pero ayoko kasing unahin ang mga lovey-lovey.”

Biro pa ng aktres, “ang importante, ang padala niya. Pwede siyang magpadala ng remittance thru Kabayan Remit para sa akin at sa mga bata,” sabay-tawa.

Well, alam naman daw ni Yilmaz na taken na siya ngayon although wala naman daw itong opinyon sa kanyang karelasyon ngayon na everybody knows naman kung sino.

Basta ang request lang daw sa kanya ni Yilmaz pagdating dito ay huwag siyang iwan sa hotel palagi.

“Kasi before, the last time he was here, lagi akong may work and I would always leave him in the hotel. So sabi niya, make sure that when he comes, wala akong work. ‘Yun lang ang request niya sa ‘kin,” aniya.

Samantala, isa na naman ang Kabayan Remit sa mga nadagdag na blessings kay Ruffa at labis siyang nagpapasalamat sa mga brand na kumukuha sa kanya bilang endorsers.

“They still believe, trust, and want me to represent their brands. So maraming salamat sa mga kumukuha sa akin. But before accepting endorsements, I ensure I test the product from a reputable company. I also want to make sure that I endorse a trusted and admired brand so that it is easier for me to promote,” aniya.

Ang Kabayan Remit ay isang an online money transfer platform sa Pilipinas na available rin sa US, Canada and the United Kingdom.

Si Ruffa ang kauna-unahang celebrity endorser ng Kabayan Remit. Present din sa nasabing launching/contract signing ang mga executive ng nasabing online remittance na sina Princess Manalo and Karina Salve Untalan.

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with