^

Pang Movies

OPM Hitmakers, ‘di pa tanggap ang nangyari kay Hajji

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
OPM Hitmakers, ‘di pa tanggap ang nangyari kay Hajji
OPM Hitmakers
STAR/File

Ang maagang pagpanaw ng OPM icon at tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro ay hindi lamang naging malaking kawalan sa Philippine music and entertainment industry, sa kanyang pamilya, mga kaibigan, fans kundi maging sa kanyang mga kasamahan sa OPM Hitmakers na kapwa niya ring music icons na sina Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga.

It was the late The Total Performer Rico J. Puno ang nakaisip na magsama sila ng kapwa niya OPM hitmaker na si Hajji sa mga show at concert at ito’y nag-click.

Si Boss Vic del Rosario ng Viva ang nakaisip na isama si Rey Valera hanggang idinagdag sa kanilang grupo sina Marco Sison at Nonoy Zuñiga and they call themselves OPM Hitmakers.

Pumatok ito hindi lamang sa Philippine concert scene kundi maging sa ibang bansa.

Sa kabila ng nabuong grupo, patuloy pa rin ang kanilang respective solo careers. Since noted ang yumaong si Rico J. sa kanyang green jokes even as a solo performer, bitbit din niya ito sa kanilang grupo kung saan nauso sa kanila ang ‘laglagan’ during their shows na kinaaliwan ng audience saan man sila magtanghal.

Nang pumanaw si Rico J. nung Oct. 30, 2018, ang pakiramdam ng apat niyang mga kasamahan na sina Hajji, Rey, Marco at Nonoy ay nawalan na sila ng timon. Pero dahil na rin sa alaalang iniwan ni Rico J., ipinagpatuloy ng apat ang grupo although there were adjustments na kailangan nilang gawin.

Ang mga green joke ay napunta kay Rey pero naging maganda pa rin ang batuhan nila ng jokes.

Nung nabubuhay pa si Hajji, he would write the script for the group pero ngayong wala na ito, panibagong adjustment na naman ang kailangan nilang tatlo – Rey, Marco at Nonoy. Dalawang poste na sa grupo ang nawala.

Sa kasalukuyan ay gusto muna nilang ipagluksa ang kanilang kaibigan at kasamahan hindi lamang sa grupo kundi maging sa industriya na pare-pareho nilang kinabibilangan.

Anak ni Diego, interesado na agad sa showbiz!

Single muli ang actor na si Diego Loyzaga dahil wala na sila ng ina ng kanyang anak na si Hailey na si Alexis Suapengco.

Pero ang maganda lamang sa dalawa ay nananatili pa rin silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na magdadalawang taong gulang sa susunod na buwan.

Aminado ang co-star ni Sue Ramirez sa upcoming movie ng Viva Films, ang In Between, na pinamahalaan ni Gino Santos, na si Diego na nag-iba umano ang naging pananaw niya sa buhay nang magkaroon siya ng anak.

He would take his daughter out para mamasyal and there are times na sa kanya ito natutulog. Grabe umano ang bonding nilang mag-ama. Kapag hindi naman sila magkasama ay frequent ang kanyang video call para lamang kausapin ito.

Although nagpapakita na ng signs si Hailey na magsu-showbiz ito sa kanyang murang edad, as much as possible ay gusto itong i-discourage ni Diego dahil mas gusto niyang mag-focus ang anak sa kanyang pag-aaral kesa mag-showbiz.

Samantala, Diego is reunited with his friend na si Sue Ramirez sa second movie nila together, ang In Between na showing na sa mga sinehan ngayong May 7, 2025. Ang dalawa ay unang nagtambal sa pelikulang How to Love Mr. Heartless mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films na ipinalabas nung 2022.

HAJJI ALEJANDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with