Ken, lumutang sa Thailand!

Spotted daw si Ken Chan sa Thailand kung saan dumalo siya sa ginanap na Songkran Festival.
Pinahintulutan niya ang isang Pinoy na mag-video kasama siya at na-upload daw iyon sa TikTok.
Nakita nga raw ng dating business partner niya ang video na iyon kaya nag-post agad iyon kung saan sinabi nitong “Sana all pa thailand thailand songkran na lang” at ni-repost ang video niya.
Sa panibago nitong post ay sinabi naman nitong “For those asking kung bakit walang hold departure, di pa naming ma-issue yun kasi may isang witness na kasama sa warrant, kaya madadamay siya. Naghihintay pa kami ng next steps. Please help locate na lang so the warrant can take effect and those accountable may finally face the consequences under the law.”
Mukhang na-trigger nga ang ex-business partner niya nang makita nitong nagagawang mag-party ng actor gayung may kaso pa siyang kailangang harapin.
Bakit nga ba hindi na lang niya harapin ang kasong syndicated estafa kung talagang wala siyang kasalanan?
Bakit hindi na lang niya tularan sina Rufa Mae Quinto at Neri Naig na matapang na hinarap ang kaso at nalusutan na?
Mukhang mas lalo tuloy guilty ang tingin sa kanya ng lahat dahil patuloy siyang nagtatago.
Hindi naman siya pwedeng magtago habambuhay noh.
‘Kaloka.
- Latest