Tatlong reyna ng entertainment industry, sunud-sunod a ng pagkamatay

Sa loob lamang ng halos tatlong buwan, tatlong reyna and icons ng Philippine Entertainment at Cinema ang pumanaw – ang Philippine Movie Queen na si Gloria Romero, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ang kaisa-isang Superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor.
Si Gloria Romero, who’s Gloria Anne Borrego Galla sa tunay na buhay, ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Jan. 25, 2025 sa edad na 91 na sinundan ni Pilita Corrales nung April 12, 2025 at the age of 87 habang nung nakaraang April 16, 2025 naman si Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life) sa edad na 71.
Sina Pilita at Nora ay paternal and maternal grandmother ng singer-actress na si Janine Gutierrez. Si Pilita ay ina ng singer-actress na si Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher (Monching Gutierrez) na siya namang ama ni Janine habang si Nora ay adoptive mother ng actress na si Lotlot de Leon na siya namang ina ng nobya ni Jericho Rosales.
Sa loob lamang ng apat na araw, nawalan ng dalawang lola si Janine maging ang kanyang younger siblings na sina Jessica, Maxine at Diego.
Sa limang anak ni Guy (Nora Aunor), si Ian de Leon lamang ang kanyang biological son sa kanyang ex-husband, ang award-winning actor na si Christopher de Leon, habang ang apat na nina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth ay mga adopted children ng namayapang Superstar pero lahat silang magkakapatid ay very close sa isa’t isa with Lotlot who stood up as her younger siblings’ big sister and ‘second mother’ during their growing up stage.
Although nakilala ni Lotlot ang kanilang biological parents, hindi kailanman nagbago ang kanyang pagmamahal at respeto sa kanyang kinalakihang ina’t ama na sina Nora Aunor at Christopher de Leon maging ang kanyang mga nakababatang kapatid.
Gayunpaman, Gloria, Pilita and Nora were the country’s national treasures dahil sa kanilang malaking naiambag sa industriya ng singing.
Diego, hiwalay na agad sa nanay ng anak
Although wala na sila ng kanyang dating partner at ina ng kanyang almost two-year-old lovely daughter na si Hailey Paige, ang yoga teacher na si Alexis Suapengco, nanatili silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na nasa poder ng ina ng bata.
Diego makes it a point na present father siya sa kanilang anak. Hindi lamang niya madalas na dinadalaw si Hailey kundi madalas din niya itong hiramin when his time permits kaya buong-buo ang relasyon nilang mag-ama.
Hindi ikinakaila ni Diego na naging rebelde siya noon at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang amang actor, director at producer na si Cesar Montano pero ang lahat nang ito’y naisantabi na kapalit ng kanilang magandang relasyon ngayon hindi lamang sa kanyang ama kundi maging sa iba niyang mga kapatid (sa ama) gayundin sa ex-wife ni Cesar na si Sunshine Cruz at sa present partner nito ngayong si Kath Angeles.
Natutuwa rin si Diego na magkaibigang muli ang kanyang mom, ang aktres na si Teresa Loyzaga at ang kanyang ama, gayundin kina Sunshine Cruz at Kath Angeles.
Modern at blended family mang maituturing ang pamilya ni Diego, it works for them at masaya umano sila sa kanilang setup.
Speaking of Diego, may bago itong movie na nakatakdang ipalabas ngayong May 7, 2025, ang romantic-drama movie na In Between na pinamahalaan ni Gino M. Santos under Viva Films. Ito’y pinagtatambalan nila ni Sue Ramirez.
Panoorin ang aming eksklusibong panayam kay Diego sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo, sa aming YouTube channel at alamin ang bagong kaganapan sa kanyang buhay ngayon.
- Latest