Fans ng namatay na aktor galit...Rico Yan, ginagamit sa kampanya!

Hindi nagustuhan ng mga tagahanga ng pumanaw na actor na si Rico Yan ang paggamit daw ng kapatid nitong si Bobby Yan ng litrato nito sa kanyang pangangampanya.
Makikita raw sa campaign poster ni Bobby, na tumatakbong konsehal sa Laguna, ang litrato ni Rico na nasa likod niya na tila blue pa ang kulay ng buhok.
Napatanong daw ang fans kung bakit daw kailangan pang isama ang litrato nito gayung ang kuya naman niya ang tumatakbo at matagal nang patay ang kapatid.
Wala raw itong koneksyon sa kampanya nito.
Parang hindi naman na nga kasi kailangan pang idamay ang matagal nang patay lalo na at may pangalan na rin naman si Bobby.
Nagalit tuloy ang mga tagasuporta ng namatay na actor. Sana raw ay patahimikin na nila si Rico.
Naku baka raw maapektuhan pa ang pagtakbo nito sa paggamit sa kapatid.
Mas maganda nga raw siguro kung pakitaan na lamang niya ng plataporma ang nasasakupan tutal kilala na rin naman siya.
‘Di na nga naman maganda na naaabala pa ang matagal nang nakahimlay.
Nalungkot ang fans at sana raw igalang ang idolo nila. Pakiramdam daw nila ay nababastos ito sa paggamit sa kampanya.
‘Kaloka.
- Latest