Gary at Martin, nagka-career dahil kay Pilita!

Alam mo, Salve A., tiyak na mami-miss ng fans ng Asia’s Queen of Song, music icon and one of the greatest Filipino entertainers of all time na si Pilita Corrales hindi lamang ang kanyang mga pinasikat na awitin kundi maging ang kanyang iconic backbend (liyad) whenever she performs.
Siya lamang ang bukod tanging singer-performer sa buong mundo na lumiliyad sa tuwing nagpi-perform making her unique kumpara sa ibang singers-performers.
The few years na nakatrabaho namin si Pilita nung kami’y nasa Vicor Music Corporation pa (na pag-aari pa noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. and Orly del Rosario Ilacad), wala kaming ibang alaala sa kanya kundi ang kanyang pagiging mabait, mapagbiro, grasyosa, down-to-earth at pagiging professional sa kanyang trabaho.
Nagsama rin sa isang musical TV show ang mag-inang Pilita at Jackie Lou Blanco na pinamagatang Pilita and Jackie kung saan unang na-discover ang talents nina Martin Nievera at Gary Valenciano among others.
Kilala si Pilita sa pagiging matulungin pagdating sa mga talent na nakita niyang may potential.
Nang makita niya ang husay kumanta ni Martin, ito mismo ang nag-recommend sa singer sa big boss ng Vicor na si Boss Vic del Rosario.
Ito rin ang nakita ni Pilita nang ito’y mag-guest sa programa nila ni Jackie on TV kasama ang 21 other members ng Kundirana ng La Salle – Greenhills.
Pinabalik niya si Gary sa programa nang solo (without the other members ng Kundirama). She also recommended Gary to Vicor and the rest ay history nang maituturing.
Ang isa pang sikat na singer na ngayon ay si Jaya, anak ng kanyang kaibigan at kababayan sa Cebu, ang singer, actress-comedienne na si Elizabeth Ramsey.
Nang marinig ni Pilita ang boses ni Jaya ay sobra umano siyang na-impress sa magandang boses nito. Tulad nina Martin at Gary, she also recommended Jaya to Boss Vic.
Masaya at proud si Pilita sa mga talent na kanyang natulungan nang wala siyang hinintay na kapalit.
Ang maraming taong dumagsa (showbiz and non-showbiz) sa kanyang 4-1/2 days urn wake sa The Heritage Park Chapels in Fort Bonifacio, Taguig City ay patunay kung gaano ka-well-loved ang namayapang Asia’s Queen of Song, ang legendary na si Pilita Corrales.
Nung nakaraang Martes ng gabi (April 15) ay nag-alay ng tig-tatlong kanta sina Martin Nievera at Gary Valenciano at sabay nilang kinuwento ang naging parte ni Pilita sa kanilang singing journey. Nag-alay rin ng songs ang Asia’s Singing Diva na si Dulce at John Nite na parehong malapit sa namayapang music icon.
Nawala man ang katawang tao ni Pilita, mananatiling buhay ang kanyang magagandang alaala at mga awiting pinasikat sa puso at isipan ng mga taong nakakakilala sa kanya.
Paalam, Pilita, maraming salamat sa malaking naiambag mo sa industriya ng musika at entertainment at paglagay sa Pilipinas sa global map sa pamamagitan ng iyong musika at pagiging world-class performer at entertainer.
Please watch our old but exclusive interview with Pilita Corrales on TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
- Latest