Pamilya ni Dingdong, biglaan ang bakasyon

Sa latest interview kay Dingdong Dantes, nabanggit na wala pa silang plano ni Marian Rivera kung saan sila pupunta ngayong Holy Week. Maundy Thursday na ngayon at siguro may desisyon na ang DongYan kung saan sila magho-Holy Week ng kanyang pamilya. Kilala sila na last minute nagdedesisyon.
Still on Dingdong, masaya ito na nag-level up na ang set ng Family Feud. Ipinakita pa nga nito ang set habang ini-interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.
“Pang-international na ang set namin. Ginagamit din ito sa States ni tito Steve Garbey (Harvey, US FF host). Proud kami, upgrade na kami dahil sa walang sawang pagsuporta niyo sa show,” sabi ni Dingdong.
Matutuwa pa nito si Dingdong dahil sa isang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, pinag-usapan ng housemates ang FF at excited silang mag-guest dito ‘pag nakalabas na sila sa Bahay ni Kuya. Katuwa ang usapan ng housemates. Pati ang P200K grand prize ay pinag-usapan at nagkamali pa ang isa sa kanila nang sabihing P2 million ang grand prize.
Still on Dingdong, masaya rin nitong ibinalita na may gagawin siyang bagong series this year. Abangan na lang daw ang formal announcement tungkol sa gagawin series.
Sa ngayon, bukod sa FF, napapanood din siya as host ng Amazing Earth.
Jericho, tanggap na tanggap ng angkan ni Janine
Sa wake ni Pilita Corrales sinalubong ni Jessica Gutierrez, eldest nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, ang kanyang birthday, kaya may pangako sa kanya si Lotlot, “We will celebrate soon.”
Sa photos na lumabas, sa salubong ng birthday ni Jessica, makikitang nagsalu-salo siya sa carrot cake. Sa isa pang picture, makikitang nakangiti, pero malungkot ang mga mata ng pamilya ni Pilita.
Sa isa pang larawan, makikita si Jericho Rosales na nakaakap kay Jessica at parang kinu-comfort niya ito. Comment ng netizens, galawang pamilya na si Jericho patunay raw na tanggap na siya ng pamilya ni Janine Gutierrez.
Maaalalang wala si Jericho sa ABS-CBN Ball 2025, kaya solo na rumampa si Janine. Nasa Bicol that time ang aktor, nangangampanya sa party-list na kanyang sinusuportahan.
Charlie at Kira, mala-Ashley at AC ang tambalan
Dahil ipinasok sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa Lolong: Pangil ng Maynila, nire-request naman ng fans sina Charlie Fleming at Kira Balinger na isama sila sa cast ng Beauty Empire. Bagay raw sina Kira at Charlie sa series nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.
Sa Sang’gre sana gusto ng fans na ipasok sina Charlie at Kira, kaya lang, patapos na yata ang taping ng telefantasya and in fact, sa June na ang world premiere nito.
Hindi mahirap na magkasama ang dalawa sa series dahil uso na ang collab sa GMA at ABS-CBN.
Sa interview sa dalawa, nabanggit ang kagustuhan nilang magkatrabaho at sabi pa nga ni Kira, gusto niyang maka-eksena si Charlie na ‘yun din ang gusto.
Speaking of Charlie, pang-teleserye rin pala ang buhay nito at nai-confess na galing siya sa broken family, naghiwalay ang parents niya at may bagong girlfriend ang dad niya. Hindi naman nabanggit kung may boyfriend ang mom niya, pero blinock daw niya sa social media account niya ang dad niya.
- Latest