Nikki Gil, nasubukan sa anak na may kawasaki

Hindi raw madali ang pinagdaanan ng dating TV host-actress na si Nikki Gil na na-diagnose ang anak nila ng mister na si BJ Albert na may Kawasaki disease.
Isa raw pala iyong seryosong sakit na nagdudulot ng pamamaga sa blood vessels at pangunahing nakakaapekto sa mga sanggol at bata.
Ipinost nga nito ang litrato nila kung saan nilahad niya sa caption niya na makita lamang daw ang kanilang anak na nakakabit sa IVs, tinitiis ang mga test at gamot, ay pinakamahirap na sa kanila ng mister bilang mga magulang.
Wala nga raw silang ideya na meron palang ganoong sakit na never pa nila narinig.
Sa kabila nga ng pinagdaraanan nila, hindi pa rin siya nawalan ng tiwala sa Panginoon, “But even in the scariest moments, God showed up—in the peace He gave, the people He sent, and the healing He allowed. We give Him all the glory for carrying us through and for Maddie’s recovery.”
Mabuti naman at nakauwi na sila at patuloy na nagpapagaling ang anak.
Kaya malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa kanila.
Marami nga raw mga magulang ang naka-relate kay Nikki na nagpahayag sa kanya ng suporta.
Nagsilbing inspirasyon sa mga ito ang kwento niya.
Basta kapit lang, makukuha ‘yan sa dasal.
- Latest