^

Pang Movies

Sharon, sumagot sa ‘over-diet’!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, sumagot sa ‘over-diet’!
Sharon

Sinagot ni Sharon Cuneta ang hinala ng netizens na nasobrahan siya sa pagpapapayat kaya siya nagkasakit.

Matatandaang ikinuwento ni Megastar sa kanyang Facebook at Instagram account ang pagkakasakit niya noong April 7 na kaarawan ng anak niyang si KC Concepcion.

Aniya ay sinorpresa niya si KC at pumunta siya sa birthday celebration nito na ginanap sa isang resort pero pagdating daw doon ay nagdududuwal siya nang nagdududuwal.

Nagpa-blood test daw siya pag-uwi sa Manila at normal naman daw lahat ang resulta.

Isang netizen ang nagtanong sa comment section. Aniya, “over-diet?”

Sinagot naman ito ni Sharon na huwag naman sana at nangakong kakain na.

“Sana po di naman. Kakain na po!” aniya.

Actually ay naiintriga nga ang malaking nabawas sa timbang ni Sharon. Kung anu-anong ispekulasyon ang lumalabas at maging siya ay aminadong napakaraming nagtatanong sa kanya kung paano siya pumayat ng ganito.

Ang lagi namang sinasabi ni Mega ay talagang diet lang for nine years ang kanyang ginawa at wala nang iba pa.

May nagtanong nga sa kanya one time sa isang post kung nag-take ba siya ng Ozempic kaya siya pumayat at sinagot naman niya ito.

“Not Ozempic. Heard it makes you look old,” aniya.

May isa pang nagtanong ng “surgery?”

Sagot naman ng Megastar, “you can have all the surgery you want but nothing is gonna work unless you change your eating habits.”

Jones Bridge, mas napansin sa KimPau

Natutuwa ang Honorary President ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) at may-ari ng Lamoiyan Corporation (maker of Hapee toothpaste) na si Dr. Cecilio Pedro kapag napag-uusapan ang napakaraming malalaking celebrity endorsers noon ng kanilang kumpanya.

Matatandaang ilan sa mga naging endorser ng Hapee Toothpaste ay sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, Kathryn Bernardo, Kristine Hermosa, Marian Rivera, Alden Richards, Maine Mendoza, Sarah Geronimo, Maja Salvador at iba pang malalaking celebrities at personalidad.

“Halos lahat ng artista, endorsers ko,” sey ni Dr. Pedro nang makatsikahan namin sa Pandesal Forum last Tuesday sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores.

That time ay siya pa ang in-charge sa kumpanya at siya lahat ang kumuha ng mga nasabing endorser. Ngayon daw kasi ay ang anak na niya ang namamahala sa kumpanya at siya naman ay ine-enjoy na lang ang buhay bilang philanthropist at honorary president ng FFCCCII.

Samantala, kaabang-abang ang mga project ng (FFCCCII) kaugnay ng 50th Anniversary ng Philippine China Diplomatic Relations.

Ayon kay Dr. Pedro, dapat abangan sa June 9 ang gagawin nila sa Jones Bridge hanggang Chinatown.

“Nauna na ‘yung ginawa ni First Lady Liza Ara­neta-Marcos sa Pasig River Esplanade sa Intramuros. At ang second part is to beautify the Jones Bridge,” pagmamalaki ni Dr. Cecilio.

Nakita nga ang ganda ng Pasig River Esplanade nang magbigay-pugay ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa moda at pagkakayari ng Filipino na pinagtagpi para sa kapakinabangan ng mga atletang Filipino.

Dumalo ang Unang Ginang sa Gintong Sinag: Hinabi ng Lakas, Ginawa nang may Pagmamalaki, isang fundraiser fashion show sa Pasig River Esplanade sa Intramuros, Manila kamakailan.

Ang fashion show ay brainchild ng kilalang Filipino designer, si Avel Bacudio na nagtampok sa mga Olympic medalist na sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petacio.

“We will install lots of laser lights so that this coming June 9 we will start to showcase, we will show everyone that we can make Jones Bridge truly beautiful. And we can attract tourists to Jones Bridge and visit Chinatown along the way.

“We will also install lights in Chinatown that’s part two. Hopefully tuluy-tuloy ang project including the Intramuros. So all of this will be done in celebration of our 50th Anniversary Philippine China Diplomatic Relations,” pahayag pa ni Dr. Pedro who is also the former president of FFCCCII.

Bukod dito, kasali rin sa proyekto nila ang pag­lilinis ng Pasig River.

Nabalitaan nga rin niya na nag-shooting pala sa Jones Bridge sa Binondo sina Kim Chiu at Paulo Avelino at nakita nga sa pelikulang My Love Will Make You Disappear ang kagandahan ng lugar.

Kaya nga mas lalo pa raw nilang pagagandahin ang Jones Bridge para mas marami pang maengganyong mag-shoot at pumuntang turista as well.

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with