David inaming kailangan pang mag-heal ni Barbie

Marami ang nakakapansin na ngayong single na si Barbie Forteza ay mas naging close pa sila ng ka-loveteam na si David Licauco.
Kaya naman sa panayam sa aktor ni Nelson Canlas ng GMA ay naurirat sa kanya kung fan service pa ba ang closeness nila ngayon ni Barbie o may kasama nang feelings.
“Well, ‘yung closeness namin, close naman talaga kami,” paliwanag ni David.
Dagdag pa niya, “I mean, you have to think na Barbie just got off from a relationship and we should respect that ‘di ba? Kailangan niyang mag-heal.”
Inulit naman ni Nelson ang tanong kung may feelings bang involved on his part.
“I care for her a lot. I just really care about her a lot,” natatawa niyang sagot.
Sa tanong kung nag-evolve na ang dynamics ng closeness nila ni Barbie ngayon, sagot ng aktor, “before, like transparently, she was taken.”
Tanong ulit sa kanya ni Nelson, “so malaking factor ‘yun?”
Sagot naman ni David, “hindi naman, I mean, Barbie has always been caring but then, siyempre, kapag…”
Hirit ulit ni Nelson, “ah, naiilang ka before.”
Pag-amin naman ni David, “oo, ‘di ba, (nakakailang) maging caring. Kasi siyempre, kapag may ka-work ka, ‘di ba... kailangan naman talaga, especially sa love team context ‘di ba? You have to be caring and Barbie’s someone I really care about.”
Dagdag pang paliwanag ng aktor, “feeling ko, kahit naman sino na nasa situation ko, kapag taken, hindi ka naman gagawa ng ano, medyo extra care. But now, obviously, like when we’re together, like, I care for her, and ayun, siyempre, mas maluwag nga.”
As we all know, parehong single sina Barbie and David ngayon kaya naman wini-wish talaga ng BarDa fans na maging sila na.
Karylle, naiyak sa interview sa mga Korean star
Napaiyak si Karylle sa sobrang happiness matapos ma-interview ang mga sikat na South Korean stars na sina Lee Dong-wook, Lee Kwang-soo, Lee Da-hee, and Lee Joo-bin.
Ang nasabing apat na South Korean stars ang bida sa upcoming K-drama na The Divorce Insurance na mapapanood sa Prime Video at ininterbyu sila ni Karylle para naman sa kanyang K’s Drama podcast.
Noon pa man ay aminado naman siya na talagang big fan din siya ng mga K-drama gayundin ang Korean culture.
Matapos ang interview niya sa mga K-drama actor, ibinahagi rin ng singer/host ang kanyang naramdaman lalo pa nga’t first time rin niyang ma-meet ang mga ito.
Aniya, during the interview ay talagang pinilit daw niyang magpaka-professional at kinontrol niya ang kanyang pagiging fangirl. Pero napaiyak daw siya matapos ang panayam.
Inamin din niyang favorite niya si Lee Dong-wook dahil ang kauna-unahang K-drama na pinanood niya ay ito ang bida.
Aniya pa, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang experience na ito and in fact, paulit-ulit nga raw niyang nire-replay sa isip niya ang naganap. Aniya pa, napakaganda raw ng kanyang birthday gift.
“What a feeling. I don’t think I’ll ever be able to erase that from my mind because I did try to replay it in my mind many times after the moment happened. And the fact that it happens around my birthday, it felt like a big, big gift so I’m so, so happy,” she said.
Ayon pa kay K, dati raw ay pinanonood lang niya sa kanyang kwarto ang mga K-drama pero ngayon daw ay nagkaroon siya ng opportunity na makita at makausap ang mga South Korean star in person.
“I do have a photo with the cast and I’m so thrilled that I got to see their chemistry in person. Because being in the same space allows me to get to know them on a whole other level.
“And you know that if you’re a fan, you’re watching from your bedroom or from your living room and now, when you see them in person, it’s like you’ve entered the world. So I can’t wait to see that chemistry translate on screen,” masayang wika ni Karylle.
Ipinost din niya sa kanyang Instagram ang larawan niya kasama ang mga naturang South Korean stars at nakakatuwa nga ang larawan dahil nasa gitna siya ng apat at naka-point ang mga kamay ng mga ito sa kanya na parang isa siya sa mga bida.
- Latest