Fans apektado... Kim Soo Hyun, bugbog-sarado na

Awang-awa ako kay Kim Soo-hyun.
Bugbog-sarado na siya sa mga intriga sa kanyang nakalipas na lovelife.
Marami na rin siyang nawalang endorsement kabilang na ang luxury brand na Prada.
Hindi ko makakalimutan si Kim Soo Hyun nang dumating siya sa Pilipinas para sa isang brand ng appliances.
Nang nabalitaan ko na darating siya sa Pilipinas para sa presscon ng nasabing brand, talagang tinawagan ko si Isah Red (buhay na buhay pa siya noon) para sumama kami nila Salve.
At ang bongga, tumili talaga ako ng pangalan niya, pag tili ko, tumingin siya sa kinauupuan ko, sabay ngiti niya sa akin.
Grabe. Parang matutunaw ako.
Hay!. Grabe ‘yun.
Samantalang ilang beses akong nagpunta sa South Korea, pero wala akong naka-encounter na Korean actors. Laging nganga ang biyahe namin.
Kaya nasa kanya ang simpatya ko ngayon.
Ang 37-year-old actor na sumikat sa South Korea at China dahil sa kanyang role sa hit South Korean drama series na My Love from the Star at Queen of Tears ay inakusahan ng pakikipag-date kay Kim Sae-ron noong ito diumano ay menor de edad sa isang YouTube expose, na binanggit ang mga testimonya mula sa mga kamag-anak ng aktres.
Nakalulungkot ang ganitong mga kaganapan lalo na at para sa akin, mabait si Kim Soo-hyun.
Huwag naman tayong masyadong mapanghusga.
‘Yun lang at babu.
- Latest