Melai, may warning kina Gabbi at Mavy!
Binalaan ni Melai Cantiveros ang dalawang Sparkle artists na bagong hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Gabbi Garcia and Mavy Legaspi.
Sa grand mediacon ng nasabing reality show held last Saturday ay napag-usapan ang mga bashers na grabe kung makapanlait sa mga housemates.
Ayon sa isa rin sa hosts na si Robi Domingo, matitindi talaga ang mga bashers dahil nitong last season ay dumating pa sa punto na tine-threaten pa nila ang mga housemates.
“Every week, nagpapaalala kami na ‘be kind’ sa social media. Kasi grabe na ‘yung mga threats ng mga housemates and their families are involved as well,” sey ni Robi.
This time sa celebrity edition, aniya ay mukhang prepared naman ang mga celebrities sa mga pangba-bash if ever.
Sey naman ni Melai, hindi lang daw mga housemates ang dapat maging handa kungdi maging ang mga hosts especially ang mga first timers na sina Mavy and Gabbi.
“Reminder din ito kay Mavy at kay Gabbi because pati mga hosts din pine-pressure rin ng mga bashers. Be ready lang kayo kasi talagang grabe talaga sila,” ani Melai.
Biro pa niya, “magpapa-NBI na rin kayo,” na tila kantyaw kay Robi na matatandaang nagtungo sa National Bureau of Investigation nitong nakaraang Huwebes para ireklamo ang isang threat na natanggap niya mula sa isang troll.
Nagpasalamat naman si Gabby kay Melai sa reminder at nagbiro rin siya na kinuha na raw niya kay Robi ang number ng NBI.
Sandro, nakabangon na sa trauma ng sexual harassment
Ibinalita ni Niño Muhlach na malaki na ang improvement sa anak niyang si Sandro Muhlach matapos ang traumatic experience last year sa dalawang GMA independent contractors.
Dumalo si Onin sa lunch mediacon ni Sen. Bong Revilla na ginanap kamakailan at dito ay nagbigay siya ng update sa panganay niyang anak
“Once a month na lang ang kanyang therapy. Dati kasi, three times a week, eh,” aniya.
Nakakalabas na rin daw si Sandro ngayon unlike before na laging nakakakulong sa kwarto. In fact, nagbalik na raw ito sa pag-arte at nagte-taping na ng bagong show niya sa GMA-7.
Bagama’t hindi pa raw masasabing completely healed ang binata, ayon kay Onin, in time ay mangyayari rin ito.
Tuloy-tuloy pa rin daw ang kasong isinampa nila laban sa 2 GMA independent contractos at hanggang sa dulo raw ay talagang ilalaban nila ito.
Samantala, dumalo si Onin sa mediacon ni Sen. Bong bilang suporta sa kandidatura nito bilang Senatorial reelectionist.
“Ito na ang pinakamabait na artista na nakilala ko,” ang paglalarawan ni Onin kay Sen. Bong.
Aniya pa, si Sen. Bong ang unang-una niyang sinabihan ng nangyari kay Sandro at hiningan niya ng tulong.
“Ganu’n kalaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi naman ako nagkamali. I love you, Sen,” sey pa ni Onin.
Matatandaang isa si Sen. Bong sa kaagad na tumulong kay Niño sa nangyari kay Sandro nang magsagawa ang Senado ng imbestigasyon tungkol dito.
- Latest