^

Pang Movies

Pelikulang tungkol sa NY stripper, big winner sa Oscars

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pelikulang tungkol sa NY stripper, big winner sa Oscars
Mikey Madison

Big winner ng 97th Academy Awards ang independent film na #Anora na tungkol sa isang New York stripper na nagpakasal sa anak ng Russian oligarch.

Nauwi ng Anora ang limang Oscars: Best Picture, Best Original Screenplay, Best Director, Best Film Editing and Best Actress to Mikey Madison. Kinabog ng 25-year old first time Oscar nominee ang early favorite, ang 62-year old Hollywood veteran na si Demi Moore.

Si Adrien Brody ang nagwaging Best Actor for The Brutalist. Ito ang second best actor niya after 25 years. Una siyang nanalo in 2000 for The Pianist.

Nag-uwi naman ng kanilang first Oscar trophies ang American-Dominican actress na si Zoe Saldana as Best Supporting Actress for Emilia Perez and former Hollywood child actor Kieran Culkin as Best Supporting Actor for A Real Pain.

Christian, nag-display ng six-pack

Pambansang Healthy Daddy ang tawag sa dating sexy actor na si Christian Vazquez pagkatapos nitong mag-post ng mga video na todo workout siya sa gym.

At nung 48th birthday niya ay pinost niya ang isang mirror kung saan kita ang kanyang six-pack abs. May caption ito na “Checking 1 2 3 at 48.”

Kaya maraming kaedaran ni Christian na na-inspire sa kanyang posts. Na hindi raw sapat na makuntento sila sa kanilang “dad bods”. Puwede pa nilang ma-achieve ang katawan ng aktor na malapit na sa edad na 50.

Nasabi pa noon ng aktor: “I want to be strong when I reach 50. So I start today and everyday coz that is the way. It rhymes they say.”

Sumikat si Christian dahil sa 2000 PLDT TV commercial kunsaan nanggaling ang sikat na linyang “suportahan ta ka”. 

In 2001 ay na-introduce si Christian sa pelikulang Pagdating ng Panahon nila Sharon Cuneta at Robin Padilla. In 2003, pinasok niya ang pagpapa-sexy sa mga pelikula ng Seiko Films na Liberated at Liberated 2.

Kasalukuyang napapanood si Christian sa mga teleserye na FPJ’s Batang Quiapo at How To Spot a Red Flag.

Faith, totga ni Buboy

Napaamin si Buboy Villar na si Faith da Silva ang kanyang naging TOTGA o The One That Got Away.

Sa YouLOL podcast na Your Honor, sinabi ni Faith na napa-“what if” daw siya kung nagkaroon sila ng relasyon ni Buboy at hindi lang sila basta friends lang.  “Kahit ganito ako mahiyain din ako. Talagang sinasabi ko, what if kung nag-jump ako noon,” sey ng Sparkle actress.

Sey naman ni Buboy: “Basta nire-respeto ko kung anong meron tayo. Siyempre nire-respeto kita, Faith.”

Nagbalik-tanaw pa si Faith sa matagal na nilang friendship ni Buboy: “Hindi ko talaga alam kung natatandaan niya. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Siguro seven or eight years old. Tapos meron mga artista na parang pinagti-tripan-tripan kami ganyan. Tapos parang, sinabi nila sa akin na i-kiss ko daw si Buboy (sa cheeks) e, eight years old pa lang kami. Tapos, kiniss ko siya ‘tapos kilig na kilig talaga ako.”

OSCARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with