^

Pang Movies

May autism na anak nina Troy at Aubrey, nagsasalita na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
May autism na anak nina Troy at Aubrey, nagsasalita na
Troy at Rocket
STAR/File

Ini-reveal ni Troy Montero ang kondisyon ng nag-iisang anak nilang babae ni Aubrey Miles na si Rocket Miller na six years old na ngayon.

Sa Instagram account ng aktor, inamin niyang Rocket was diagnosed with Autism Spectrum Disorder when she was three years old kung saan Ibinahagi rin niya ang mga behavior ng kanyang anak pero ngayon ay nakakapagsalita na. “When she was younger, she was non-verbal, made no eye contact, flapped her hands, walked on her tiptoes, lined up her toys, and occasionally had tantrums on the floor. At three years old, she was diagnosed with Autism Spectrum Disorder. A month later, we started her in Speech and Occupational Therapy,” pagbabahagi ni Troy.

Proud na ikinuwento ng aktor ang improvement sa kanyang anak matapos ang first session ng therapy nito. Mas nagsasalita na raw ito ngayon at may eye contact na.

“She has since undergone Stem Cell Therapy at EW Villa Medica in Pasay, Philippines, with her third treatment just last week. After her first session, we noticed a big change she began making eye contact and speaking more,” aniya.

Laking tuwa rin niya nang marinig niya si Rocket na nagsalita ng “I love you.” “Today, I wouldn’t consider her non-verbal, though her casual conversations are mostly two- to three-word sentences. The best sound? Hearing her say, ‘I love you,’” kwento ng aktor.“Rocket is now six years old and attends school with five to six classmates at Little Sparks Therapy Center in Quezon City. Her teacher recently shared that she has become a class leader, helping her classmates with their activities,” pagmamalaki pa ni Troy sa bunsong anak.

Mga PBB host, may mga gustong papasukin!

May kanya-kanyang bet din ang mga host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kung sino ang celebrities mula sa Sparkle and Star Magic na gusto nilang pumasok bilang housemate sa Bahay ni Kuya.

Sa grand mediacon ng naturang reality show na ginanap last Saturday sa Dolphy Theater ay natanong ang mga host na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros-Francisco, Alexa Ilacad, Gabbi Garcia and Mavy Legaspi kung sakaling bibigyan sila ng special power ni Big Brother na pumili, sino ang celebrity na gusto nilang papasukin sa PBB house.

Sinimulan ni Robi ang sagot at si Alden Richards ang kanyang bet.

“I’ll go with Alden para hello, love, again,” sey ng TV host.

Sabi naman ni Melai, “gusto ko si Momshie Jols, Momshie Jolina Magdangal (ng) Star Magic because that would be fun, para magkaroon naman momshie doon sa loob na paano niya iha-handle ang ating mga celebrities.”

Ayon naman kay Alexa, ang pangarap daw niya talagang mapanood sa PBB house ay si Rufa Mae Quinto. Tiyak daw na panoorin niya ito at gusto niyang makitang magsabi ng “go, go, go!” ang sexy comedienne sa bahay ni Kuya.

Ang type naman ni Bianca na pumasok ay si Khalil Ramos na boyfriend ng isa sa hosts na si Gabbi. Mukhang masaya raw na makita ang dalawa sa PBB bilang host and housemate.

Natawa naman si Gabbi sa sinabi ni Bianca.

‘Hoy, Khalil, babantayan kita kapag pumasok ka,” sabi ni Gabbi.

Sey naman ni Bianca, “ibang Khalil ang makikita sa loob ng bahay, what more ang makikilala ni Gabbi about Khalil. Wishful thinking lang.”

Ang sagot naman ni Mavy ay ang kanyang twin sister na si Cassy Legaspi.

“Gusto kong makita ‘yung kapatid ko sa loob ng Bahay ni Kuya and asarin ko siya from the outside. Hindi, joke lang,” natatawang sey ni Mavy.

Ang sagot naman ni Gabbi ay si Mavy. “Ngayon na, opening night natin ipasok si Mavy.”

Sa ngayon ay hindi pa ina-announce kung sinu-sino ba talaga ang celebrities na pasok sa PBB Celebrity Collab Edition na magsisimula na ngayong March 9 sa GMA 7.

As we all know, ang PBB ay orihinal nating napapanood sa ABS-CBN pero ngayon ay sanib-pwersa na sila ng GMA 7 na dati ay sa panaginip lang pwedeng mangyari.

AUBREY MILES

TROY MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with