Drama actress, sumabog sa epal na aktor!
Hindi nakapagpigil na tumalak ang drama actress na ito sa feeling magaling na aktor sa set ng kanilang teleserye.
Masyado raw demanding ang aktor sa mga eksena niya. Nakukulangan daw siya sa exposure niya at gusto niyang ma-rewrite ang kanyang mga eksena.
Pinagbigyan daw si aktor noong first few weeks. Pero mukhang umabuso raw dahil every time na may eksena niya, lagi siyang may reklamo at humihiling ng retake.
Kaya sa isang big scene raw sumabog si drama actress dahil sa pagiging epal ng aktor.
Kuwento ng source: “May isang big scene na kailangan one take lang dahil mahirap na raw maulit ang emosyon nilang lahat sa eksena. After mag-cut ang direktor, natuwa siya sa naging resulta at thumbs up siya sa tuhog na eksena. Pero bigla raw humiling ang aktor ng isa pang take na kinaloka ng mga kasama niya.
“Nireklamo ng aktor ang posisyon niya sa eksena. Noong panoorin niya ang playback, hindi raw nakikita ang mukha niya sa screen. Kaya mag-take daw sila ulit. Lumapit ang direktor kay aktor at sinabing hindi nila puwedeng gawin ulit ‘yung nakunan nang eksena dahil naibuhos na ng cast ang lahat sa one take. Hindi na raw mauulit iyong authenticity ng emotions.
“Aba, parang spoiled brat raw na nagpapapadyak sa galit. Dito na pumasok ang matagal nang imbiyernang drama actress sa kanya. Tinalakan niya ang aktor at sinabing pagod na silang lahat. Wala raw itong right na mag-demand ng isa pang take dahil gusto na nilang lahat magpahinga.”
Pinalakpakan daw ng production staff ang aktres at wala raw nagawa ang aktor kundi ang tumahimik na lang.
Heaven, biglang binuhay ang isyu kay Kiko
Sinagot ni Heaven Peralejo ang mga chismis sa kanya noon na naging third party siya sa relasyon ng dati niyang boyfriend na si Kiko Estrada.
Inakusahan noon si Heaven bilang third party sa breakup ni Kiko at ng actress ex-girlfriend nitong si Devon Seron. Ilang buwan matapos ng naturang breakup ay nagkaroon ng relasyon sina Kiko at Heaven. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin sila.
Ayon kay Heaven ay wala siyang anumang romantic relationship kay Kiko nang maghiwalay sila ni Devon. Nagkatrabaho lang sila sa isang proyekto ng aktor.
“Naunahan na, e, naunahan na ng chismis during that time. So, kahit ano’ng sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” sey ni Heaven.
Tungkol sa dati niyang boyfriend na si Jimuel Pacquiao, sinabi ni Heaven na maayos ang relasyon niya sa miyembro ng pamilya nito, maging sa mga magulang ng binata na sina Jinkee at Manny Pacquiao.
J.Lo at Ben Affleck, may hatian na ng ari-arian
Na-acquire ng TMZ ang official final divorce papers nina Jennifer Lopez and Ben Affleck.
Nakalagay sa settlement na “the two agreed to walk away with what they had each acquired individually while married. They would keep their personal clothing, jewelry, and miscellaneous personal effects in their possession, custody or control.”
Ibig sabihin ay pati ang $5-million engagement ring na bigay ni Ben noong 2022 ay pag-aari na ni Jennifer.
Ang $68-million home nila sa Beverly Hills is currently on the market, at paghahatian nila ang profits based on the “terms of the Separate Settlement and Confidentiality Agreement.”
Walang prenup ang dalawa noong kinasal sila in 2022.
- Latest