^

Pang Movies

Iza, mahirap ang pinagdaanan sa namatay na nanay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Iza, mahirap ang pinagdaanan sa namatay na nanay
Iza Calzado

Naging open na si Iza Calzado na pag-usapan ang kanyang yumaong ina. Kung noon daw ay hindi niya kayang ikuwento ang nangyari sa kanyang inang si Mary Ann Calzado, ngayon ay bukas na siyang pag-usapan ito. “I lost my mother. She died by suicide,” sey ni Iza sa pagpanaw ng kanyang ina noong 2001.

Baguhang artista pa lang daw si Iza noon at takot siyang malaman ng marami ang nangyari sa kanyang ina na nahirapan sa sakit nitong cancer.

Tuwing tinatanong daw siya noon kung nasaan ang nanay niya, sinasabi lang umano ni Iza na pumanaw na ito, ngunit hindi nagbibigay ng detalye. Una itong binunyag ng aktres nung 2019. “I was new in the industry. What do you see? How do you see that? I didn’t, in the beginning, want to build a name based on that ‘cause you will be branded as that. That was to be your story. Nanay niya ay...

“I think nu’ng 2019, ‘di na ako ganu’n katakot kaya ako nagsalita na at I was in a better place to share it, and it was the best, I guess the best way to share it.”

Inamin ni Iza na naging mahirap ang pinagdaanan niya noon. Natakot din siyang malaman ng ibang tao ang totoong ikinamatay ng kanyang ina dahil hindi umano “widely understood unti now, or accepted” ang pagkitil sa sariling buhay.

“And they were always free to assume whatever they wanted. I mean my mother was sick. She was bipolar, she battled with this since I was a child. Bata pa lamang po ako ay nakikita ko na ang laban ng nanay ko. I didn’t understand the way I understood now but I had to face it, day in and day out.

“Lahat tayo, we fight with our own demons inside. It’s a war that happens inside us and lagi ko lang kinakapitan ‘yung light because we are all in need of light. Kaya laban talaga,” sey ni Iza.

Amy, choosy sa trabaho

Bihira tumanggap ng teleserye ang award-winning actress na si Amy Austria. Pero kapag may tinanggap ito na serye, ibig sabihin ay maganda ang istorya ito.

Kasama si Amy sa Mommy Dearest ng GMA Afternoon Prime at nagpapasalamat siya na pinahahalagahan pa rin siya sa limang dekada bilang aktres.

Ang disiplina raw na natutunan niya simula nung bata siya hanggang sa pa­sukin niya ang pag-arte in 1976.

“Naging mabait ang show business sa atin at hindi naman tayo nahirapan dahil na rin sa disiplina natin sa trabaho. Bata pa lang ako, may disiplina na ako sa bahay pa lang. Tinuruan kami na maging responsable sa lahat ng bagay.”

Mula raw sa pamamalengke at pagsasaing, hanggang sa paghugas ng pinggan at paglalaba ay nagagawa na niya sa edad na lima.

“Kailangan lahat gawin mo nang tama, lahat kailangan gawin mo nang maayos, lahat gawin mo nang maganda, lahat gawin mo nang nasa oras. ‘Wag mong ipagpabukas or mamaya na, ‘yung kailangan mong tapusin, tapusin mo na,” sabi ni Amy na ayaw ring maging cause of delay sa trabaho niya.

IZA CALZADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with