^

Pang Movies

Dominic, hinusgahang ‘di pa kayang bumuhay ng pamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dominic, hinusgahang ‘di pa kayang bumuhay ng pamilya
Sue, Mark at Dominic
STAR/File

Overexposed na raw sina Dominic Roque at girlfriend nitong si Sue Ramirez dahil maraming beses na silang spotted together.

Hindi man daw sila magkasama, ramdam pa rin ang kanilang presence dahil kundi nagla-like ang isa’t isa sa Instagram post ng bawat isa, nagko-comment naman.

Pero, haters lang ng DominSue ang may paniniwalang overexposed na ang couple dahil ang kanilang shippers, masaya tuwing may bagong post na sila’y magkasama. Ang payo nga nila kina Sue at Dominic, dalasan ang paglabas na magkasama, agad i-post para lalong ma-trigger ang kanilang bashers.

Ang latest post ng dalawa ay nag-tennis kasama ang designer na si Mark Bumgarner. Nakagawa agad ng kuwento ang iba na kaya raw kasama ng couple ang designer dahil ito ang gagawa ng wedding gown ni Sue kapag ikinasal na sila ni Dominic.

Pero hindi pa raw naman kakayanin ni Dominic na magkaroon ng asawa at mga anak. Happy go lucky raw ito at puro travel ang ginagawa dahil lang sa madalas mag-travel.

May mga nag-comment nga na gusto nilang magkabalikan sina Sue at Mayor Javi Benitez dahil mas financially secure ito na pinalagan ng supporters ni Dominic.

Anyway, malayo pa naman yata sa plano ng DominSue ang magpakasal, hayaan muna natin silang i-enjoy ang kanilang relasyon. ‘Wag silang unahan.

Jillian, ‘di nakalimot sa dating nanay

Ang heartwarming naman ng birthday message ng former GMA executive na si Joey Abacan kay Jillian Ward na 20th birthday kahapon at nagkaroon na ng advance birthday party kung saan nag-post si Joey ng bouquet ng red roses, invitation sa party ni Jillian at old photos ng Kapuso aktres. “Dear Jillian, I am so sorry for not being able to attend your party tonight because I am out of town. However, let me tell you how grateful I am to be invited by you considering that I already retired from my post in GMA. This is proof of how real and sincere you are to me as a daughter. I am praying for your continued success and hoping that you will be a superstar soon. Love you always Baby Jill! I always be your loving kidnapper and Nanay Joey! Happy Birthday!?

Sagot ni Jillian, “I love you so much, nay Joey. Just know that our friendship or nanay/daughter duo will always last even outside of showbiz.”

Anyway, may nakita kaming video ng birthday party niya, si Michael Sager na leading man niya sa My Ilonggo Girl pa lang ang nasa party at may dalang bouquet of flowers.

DOMINIC ROQUE

SUE RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with