Summer FilmFest, pinag-iinteresan ng mga nalaglag nung Pasko!
MANILA, Philippines — Medyo dumarami na ang nag-confirm na dadalo sa 2nd annual Manila International Film Festival na gaganapin sa Los Angeles, California.
Magsisimula na ito sa March 4 hanggang 7 na ang filmfest na ito ay para sa responders at frontliners sa nakaraang LA wildfires.
Ang sabi, “celebrating excellence in Filipino Cinema and honoring L.A.’s first responders and frontliners during the LA Wildfires.”
Ilan sa mga nagkumpirmang dadalo ay sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Ruru Madrid, Sofia Pablo, Arjo Atayde, Enchong Dee, Sylvia Sanchez, Seth Fedelin, Francine Diaz, Cedrick Juan, MJ Lastimosa at Alexa Miro.
Darating din daw sina Morisette Amon at Rachel Alejandro para sa special screening ng Song of the Fireflies.
Special guest din ang The Voice champion na si Sofronio Vasquez.
May mga pagbabago pa raw ‘yan at baka may mga sasali pa, para sumuporta sa naturang filmfest.
Pagkatapos nito ay magbibigay na ng update ang Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kaugnay sa MMFF 2025. Kung kailan ang submission ng script at kung itutuloy na ba ang Summer MMFF.
Naghihintay na nga ang ibang naligwak sa MMFF last year, para naman sa Summer MMFF nila ito isasali.
Produ na si direk Lino, matindi ang laban sa pulitika!
Mukhang matindi talagang kalaban si direk Lino Cayetano sa Taguig, dahil pagkatapos na napatunayan ang residency nito sa district 1 ng Taguig Pateros, patuloy pa rin ang paninira laban sa kanya.
Ipinost ni direk Lino sa kanyang Instagram account ang mga nakuha niyang litrato na nagkakalat ng paninira sa kanya. Sabi niya sa kanyang IG story, “Update from Taguig: Thousands of leaflets with fake news and black propaganda about me was not only distributed… they organized teams to conduct pocket seminars.
“Although they were told NOT to take photos, these were leaked.
“All this after servers showing I was leading by more than double the next candidate.
“Desperate trapo politics. Who can be behind this?”
May mga kuha siyang litrato na may mga hawak na leaflets na sinisiraan siya pati ang asawa nitong si Fille.
Bakit hindi raw magkaroon ng debate, para raw mailatag ang platforms at plano kung sakaling maluklok bilang Congressman ng naturang lungsod.
Post uli ni direk Lino, “My 2025 elections proposal for Taguig Pateros is 5 Saturdays we debate and lay out our platform and policy stand on multiple issues. It can be a template for other cities and districts. Let’s talk policy, para may resibo ‘pag nanalo.
“Progressive institutions like schools, campuses, media organizations and the church are all advocates of these debates. These are two major local parties in Taguig and a handful of independents. Halika na! Let’s do this!”
- Latest