^

Pang Movies

BINI, walang magiging pa hinga

Salve V. Asis - Pang-masa
BINI, walang magiging pa hinga
BINI

MANILA, Philippines — Matapos gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino group na nagkaroon ng sold-out show sa Philippine Arena para sa unang leg ng BINIverse World Tour 2025, opisyal nang inanunsyo ng BINI ang mga nakatakda nilang concert sa UAE, UK, at North America ngayong taon.

Dadalhin nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang world tour sa Dubai at London sa May 18 at 25.

Bibisita rin sila sa maraming lugar sa US bitbit ang BINI fever. Abangan ang grupo sa New York sa May 31, Washington sa June 3, Boston sa June 4, Rosemont sa June 6, Houston sa June 9, Dallas sa June 10, Las Vegas sa June 13, Los Angeles sa June 14, Temecula sa June 15, San Francisco sa June 17, at Seattle sa June 20.

Magtatapos ang kanilang world tour sa Vancouver, Canada sa June 21.

Magiging available ang London at Dubai presale tickets para sa BINI.Global exclusive members sa Peb. 18, 10 a.m. (local time) habang ang North America presale ay magsisimula naman sa Mar. 3, 10 a.m. (local time).

 Bago ang kanilang world tour, inilabas ng nation’s girl group ang bagong single na Blink Twice bilang patikim sa kanilang bagong EP na BINIverse na mapapakinggan sa Pebrero 27 (Huwebes). Nakakuha agad ang bagong pop anthem ng mahigit 1.7 million streams sa Spotify at 3.9 million streams sa YouTube sa loob lamang ng apat araw.

Meaning, wala silang magiging pahinga.

Mga iconic song ni Jonathan Manalo, bibida sa DELIA D

‘Mapapanood’ na ang kanta na naging bahagi ng mga teleserye ni Jonathan Manalo sa Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo.

Kabilang dito ang Gusto Ko Nang Bumitaw.

Minsan, ang mga kanta na nauuwi sa pagiging isang pop culture phenomenon at ito ang Gusto Ko Nang Bumitaw.

Orihinal na isinulat ni Manalo ang kanta para sa 2022 comeback album ni Sheryn Regis kasama ang ABS-CBN Star Music para ipakita ang kanyang makapangyarihang vocal range na may birit-heavy, universally relatable na track. Pero lalong lumakas ang epekto nito nang muling bigyang-kahulugan ng Asia’s Phoenix, Morissette, para sa hit series na The Broken Marriage Vow.

Halos 20 taon na ang nakararaan nang unang buksan ang Pinoy Big Brother gamit ang iconic opening theme na na Pinoy Ako, co-written by Manalo, na talagang sabog.

Noong 2011 naman, nanalo si Angeline Quinto sa reality singing contest ng ABS-CBN na Star Power, at hindi na naging pareho ang kanyang buhay mula noon dahil sa Patuloy ang Pangarap.

Para naman sa nakatutok sa Pinoy Big Brother’s Teen Edition, imposibleng makalimutan ang kantang Kabataang Pinoy na co-written and composed by Manalo and performed by The Itchyworms.

Noon namang unang lumabas ang Paano Ba Ang Magmahal noong 2012, isinulat ito ni Yeng Constantino  kasama si Manalo na orihinal na ni-record nina Liezel Garcia at Erik Santos. Pero lumakas ito noong 2015 nang muling i-record nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ito para sa pelikulang The Breakup Playlist.

Malapit nang malaman ng audience kung alin sa mga track na ito ang itatampok sa susunod na major theatrical production mula sa production outfit ng Newport World Resorts na Full House Theater Company.

Ang Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo runs from April 25 to June 8 at the Newport Performing Arts Theater.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with