Camille, wala nang pakiramdam sa bashers

MANILA, Philippines — Wala nang pakiramdam si senatoriable Camille Villar sa trolls / bashers.
Tulad ni Manny Pacquiao, hindi na siya naapektuhan. “Ah, hindi na. Sanay na tayo dyan. 2010 pa lang, palaging may bashers. Ang importante is alam mo naman na tama ‘yung layunin mo and intention mo, and siguro lalabas at lalabas naman ang totoo,” sagot niya sa amin kahapon sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas mediacon na ginanap sa Citadines Hotel bago ginanap ang kanilang rally sa Cuneta Astrodome.
Pero nagbabasa ba siya ng mga comment? “Minsan nagbabasa, pero minsan hindi ko na rin pinapansin,” sabi niya.
Pero ang maganda kay Ms. Camille, kahit na hectic ang schedule nila sa kampanya, may time siyang manood ng sine para mag-relax. “Well, recently nanood ako ng Hello, Love, Again para kumalma ng konti. Para ma-relax tayo ng konti.”
Kinilig ba siya? “Maganda, maganda. So talagang maganda. Minsan nakaka-miss. Buti meron tayong time to relax,” komento niya sa pelikula nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na number movie ngayon sa Netflix.
Pelikulang niretoke, malaki na ang iginanda
Inayus-ayos diumano ang isang pelikula bago nag-decide na ipalabas ito.
Hindi raw kasi kayang i-tolerate ng mga concerned people ang pelikula nang panoorin ito. In all fairness, naayos naman daw ang pelikula at nag-improve kaya’t handa na raw ipalabas pagkatapos retokehin.
Anyway, abangan natin kung anong magiging kapalaran ng pelikulang ito sa takilya.
- Latest