Chavit, gumastos na ng P700M bago umatras sa kandidatura?!

Inamin sa amin ng dating senatorial candidate para sa May 2025 mid-term elections, na si Luis ‘Chavit’ Singson na purely heath concerns ang naging major reason kung bakit siya umatras sa kanyang kandidatura. “Health is wealth,” aniya.
“Aanhin mo naman ang posisyon sa senado kung hindi naman okey ang ‘yung kalusugan,” paliwanag ni Manong Chavit.
“Gusto ko munang harapin ang aking kalusugan bago ang lahat,” deklara pa niya.
Hindi niya ikinakaila na nakalatag na umano ang lahat para sa kanyang kandidatura at kasama na rito ang radio and TV placements, print ads maging sa social media at iba pa.
Gumastos na rin ng mahigit P700M si Manong Chavit bago ito nagdesisyon na umatras sa kanyang laban. Pero sa kabila ng kanyang pag-atras patuloy pa rin umano ang kanyang pagtulong.
Hindi na rin niya halos matandaan kung ilang estudyante na ang kanyang napapagtapos sa pamamagitan ng kanyang sariling scholarship program.
“Kapag na-maintain nila ang kanilang matataas na grado sa school, tuluy-tuloy ang aking scholarship grant sa kanila,” pahayag pa ni Manong Chavit.
Bukod sa pagtutok sa kanyang sariling kalusugan, nariyan pa ang kanyang napakaraming negosyo na may sariling CEOs na siyang nagre-report sa kanya.
Proud din ang businessman-politician na nakakatulong na rin sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo ang karamihan sa kanyang mga anak.
Sa pagkakaalam namin ay may 24 children ang well-loved and often controversial na si Manong Chavit.
Samantala, umatras din ang isa pang kandidato sa pagka-senador na si Dr. Willie Ong due to health reasons din. Maging ang superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor ay nag-back out din sa kanyang candidacy bilang 2nd nominee ng People’s Champ Guardians Party-list na may kinalaman din sa kanyang kalusugan.
Maris, nakabangon na sa harutan nila ni Anthony
Alam mo, Salve A., mukhang nag-die down na ang kontrobersiya na kinasangkutan ng singer-actress at entrepreneur na si Maris Racal at ang kanyang ka-loveteam, rumored sweetheart and co-star sa tumatakbong action drama series na Incognito na si Anthony Jennings.
We also have to give credit sa kanilang home studio, ang ABS-CBN at Star Magic sa mahusay na pagha-handle sa controversy na kanilang kinasangkutan dahil humupa na ito at back to work na ang dalawa na animo’y walang nangyari.
Nakatulong pa kay Maris ang kanyang pagdalo sa Berlin International Film Festival or Berlinale kung saan kasama sa kumpetisyon ang kanyang pelikulang Sunshine mula sa panulat at direction ni Antoinette Jadaone who also co-produced the movie.
- Latest