Iya, dumanas ng prodromal labor

Nanganak na ang Chika Minute host na si Iya Villania sa baby no. 5 nila ng mister na si Drew Arellano.
Isang araw bago siya manganak ay nag-post siya na bakit daw ngayon pa siya nakaranas ng prodromal labor kung kelan daw 5th pregnancy niya na.
Tanong nga niya sa baby niya ay kelan daw ba ito lalabas na tila inaapura na niya.
Madalas na raw kasi siyang nakakaramdam ng contractions nung araw na iyon pero wala naman daw major na nangyari para may gawin siya tungkol doon.
Ayaw niya raw ulit mapauwi sa ospital na parang baguhang nanay siya.
Kahapon nga ay nag-post ito ng litrato ng baby niya na tila inaasikaso kung saan inanunsyo niya na dumating na ang ito at sinabing “and wow, what a delivery!” na may tumatawang emoji.
Sa caption ay sinabi niyang dumating daw siya ng 10 a.m. sa ospital ay 10:52 a.m. ay nakalabas na ang anak niya.
Hindi naman naging madamot ang mag-asawa dahil agad ipinost ni Drew ang photo ng mukha ng baby nila kung saan may caption na “Anya Love Villania-Arellano. February 11, 2025. 10:52am.”
Nag-post naman ulit si Iya ng litrato nila ni Baby Anya at hindi raw niya maipaliwanag ang pakiramdam na nakaraos na sa panganganak at napa-“thank you, Lord” nga siya.
In fairness, ang fresh pa rin niya na parang hindi nahirapan at bagong panganak.
Congratulations.
- Latest