Ivana pinaiyak ang driver, na-prank ng P100K!

Patok na patok sa netizens ang pangpa-prank ni Ivana Alawi sa kanyang driver na walong taon nang nagsisilbi sa kanya.
Mapapanood sa latest YouTube vlog ng actress/content creator na may titulong “Nawala Ang Kotse Ko Prank” ang kakaibang pagbibigay-pugay niya sa kanyang driver.
Ayon kay Ivana, naisip daw niyang bigyan ng reward ang kanyang driver na si Batang dahil nga napakabuti raw nitong tao at napaka-trustworthy. Ito raw ang kasa-kasama niya sa lahat ng kanyang vlogs pati na sa mga pangpa-prank niya, at sa lahat ng trabaho niya.
“Kaya naman para sa mga ganyang tao, papaiyakin natin at papasayahin natin,” ani Ivana.
Sinimulan na nga ang prank ng grupo ni Ivana nang biglang mawala ang sasakyan ng aktres habang naka-park.
Ang sumunod na eksena ay ang pag-arte ni Ivana na nagpa-panic sa pagkawala ng sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit P20 million. Pati ang mga kasabwat niya ay talaga namang nagsiarte rin nang bonggang-bongga.
Habang nagagalit na si Ivana sa driver ay kalmante lang ang huli habang nagpapaliwanag at kitang-kita rin naman na halos wala na siyang maisagot sa mga tanong ng kanyang amo.
Pinagbibintangan ni Ivana si Batang na may kasabwat at siyang may pakana ng pagkawala ng sasakyan hanggang sa bantaan na niya ito na ipapapulis niya.
In fairness sa driver, bandang huli ay inaako na niya ang responsibilidad at willing siyang magpakulong.
Hanggang sa ibunyag na nga ng grupo na “it’s a prank!” Naging emosyonal si Batang at mas lalo pa siyang napaiyak nang iabot na sa kanya ng amo niya ang P100,000 bilang reward.
Ayon kay Batang ay gagamitin niya ang pera para sa tuition fee ng kanyang dalawang anak.
Puring-puri naman netizens si Ivana at ang driver. Komento nila, napaiyak din sila habang nanonood.
Ashley, ang tagal sinikreto ang relasyon kay Mavy!
Inamin na Ashley Ortea sa tunay na estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi.
Sa guesting ng Sparkle artist sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Lunes ay kinumpirma niya na sila na nga ni Mavy.
Diretsong tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?”
Natatawa at tila nahihiyang sagot ni Ashley, “I think it’s obvious naman. Yes.”
Ayon sa aktres, na-meet daw niya si Mavy few years ago nang pumirma ito ng kontrata sa Sparkle. Mga bata pa raw sila nu’n.
“Pero we started hanging out more last year. Ta’s doon ko sila nakilala talaga,” aniya.
And to be clear, nagsimula raw silang magkakakilanlan after Mavy’s breakup with Kyline Alcantara.
“I think it started, there was this one night kasama ‘yung mga friends namin, so du’n ko siya nakilala and then, nagtuluy-tuloy na. Then, he asked me out if we can have lunch or dinner together, just the two of us, you know, get to know more about each other, tapos nagtuluy-tuloy na,” tsika ni Ashley.
When asked kung paano manligaw si Mavy, aniya ay thoughtful and generous daw ito pero hindi naman daw siya ma-grandeng tao na kailangan pa ng surprises and flowers.
“Ano lang talaga, mas more on conversational kasi ‘yung ano,” sambit niya.
Three years younger daw sa kanya si Mavy at akala raw niya at first ay siya ang mas mature sa kanila pero hindi raw pala.
“He’s actually mature. Parang in our relationship, parang ako nga ‘yung pabebe girl, eh. He takes care of me and ‘yun ‘yung parang napatunayan niya while we were going out,” sabi ng aktres.
Nang tanungin naman ng batikang host kung gaano na katagal ang kanilang relasyon, sey ni Ashley ay secret na lang daw.
Tinanong din ni Kuya Boy kung kumusta ang relasyon niya with Mavy’s parents, Zoren Legaspi and Carmina Villarroel.
Ayon sa aktres ay ipinakilala na raw siya ni Mavy sa pamilya nito.
“They’re very welcoming, tito Boy. I’ve worked with tita Mina na before, nag-lock in taping kami for 2 months. Si Tito Zoren also, I’ve worked with him na rin before, he became my dad.
“But when me and Mavy were hanging out na, Mavy introduced me to them. And last December, they invited me in a Christmas dinner. They’re very welcoming. Mababait po sila. And Cassy (Mavy’s twin sister) also,” saad ni Ashley.
Matatandaang umugong ang balitang may something special na namamagitan kina Mavy and Ashley nang mag-post sila ng sweet photo together habang nasa Sinulog Festival sa Cebu kamakailan.
- Latest