^

Pang Movies

Direk Olivia lamasan, dalawang beses nakipaglaban sa cancer!

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naging bukas ang director at dating Mana­ging Director ng ABS-CBN Film Productions na si Olivia Lamasan tungkol sa pakikipaglaban niya sa breast cancer.

Isa siya sa mga cancer survivors na na-feature ng ICanServe Foundation sa kanilang Instagram upang magbahagi ng kuwento para sa kampanya nilang Icons of Hope.

“I am more than the illness,” simula ni Direk Olive na kabilang sa mga dinirek na pelikula ang Barcelona: A Love Untold, Four Sisters Before the Wedding at marami pang iba.

Taong 2008 daw ang una niyang pakikipaglaban sa cancer at taong 2022 naman ang pangalawa kung saan pareho niyang pinili ang mastectomy o operasyon ng pagtanggal ng dibdib. “In both instances, I opted for mastectomy... (In my cancer journey, I discovered) that I could love myself, that I could prioritize needs, and that I am not indispensable. So, let go. Be free, and live and enjoy the life God has blessed you with!” bahagi niya.

Sobra raw ang pasasalamat niya sa Panginoon sa paggabay sa kanya sa pagkakataong nabigla, natakot, nagalit at nagsisi siya pati na rin noong naghahanap siya ng kapatawaran, pagtanggap, pagmamahal, paggaling at paghanap sa kanyang sarili.

Ang pamilya at kaibigan daw niya ang nagbigay sa kanya ng will na maka-survive, “Of course there’s my beloved family and friends, whose love, pre­sence and prayers gave me invaluable strength and will to survive...”

Si Direk Marilou Diaz-Abaya naman daw ang nagdala sa kanya sa mga doktor at eksperto at kasama niya noong buong proseso habang dumaraan siya sa pakikipaglaban sa sakit.

Ang isa pa raw niyang guardian angel ay isang nagngangalang Kara Alikpala na hindi niya masyadong kilala pero ito raw ang nagpakilala sa kanya sa ICanServe, ang mundong nagparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

“My other guardian angel was Kara Alikpala. I barely knew her (but) I got a text from her, then we met and she introduced me to ICanServe — a world that made me feel that I am not alone; a world that me realize that I am more than the illness; a world that gave my cancer a purpose.”

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with