^

Pang Movies

Bianca, may pa-welcome na kay Gabbi

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bianca, may pa-welcome na kay Gabbi
Bianca Gonzalez.
STAR/ File

Ipinagmamalaki ng GMA Network na ang Sparkle artist at Global Endorser na si Gabbi Garcia ang kauna-unahang Kapuso host ng inaabangang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang anunsyo ay ginawa noong Linggo, Pebrero 9, sa weekend musical comedy variety show ng GMA Network, All-Out Sundays.

Ipinahayag ni Gabbi ang kanyang pananabik at pasasalamat sa pagkuha sa bagong papel na ito, na aniya ay isang malaking bagay na maging bahagi ng iconic reality show.

 “I’m super excited, biruin ninyo magkakaroon ng collab ang PBB! This is history and I am happy to be part of history. And alam ba ninyo, nag-audition din ako sa PBB way back 2012.” Gabbi shared. “Maybe I wasn’t meant to be a housemate at that time, I was meant to host it! Fast forward to 2025, eto na nga! This is a huge milestone, and I can’t wait to share this experience with all of you!” she added.

Ang pagdagdag ni Gabbi sa Pinoy Big Brother hosting lineup ay nagpapakita ng kapana-panabik na pagtutulungan sa pagitan ng dalawa sa pinakamalaking content production home sa bansa - ABS-CBN and GMA. 

Sa kanyang ganda at galing sa pagho-host, inaasahang magdadala siya ng sariwa at dynamic energy sa pinakabagong edisyon ng palabas, na nangangako na maging mas malaki at mas star-studded season.

Napatunayan ni Gabbi ang kanyang sarili bilang isang matagumpay na host, simula sa kanyang kahanga-hangang stint bilang isa sa mga host para sa Miss Universe Philippines 2024 at sa The Eddys 2024 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 Mula noon ay nag-host na siya ng iba’t ibang prestigious event, kabilang ang mga lokal na pageant, branded events, at ang Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal.

Ang kanyang versatility at poise ang naging dahilan kung bakit siya hinahanap na host sa entertainment industry.

May pa-welcome naman kaagad sa kanya si Bianca Gonzalez. “Welcome sa pamilya ni Kuya, Gabbi.”

Sumagot naman kaagad si Gabbi ng “Thank you ate. See you soon.”

BIANCA GONZALEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with