^

Pang Movies

Upcoming actor, nagbebenta ng rolex sa baklang mayaman

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — May resibo ang isa kong rich gay friend galing sa isang upcoming actor na nagbebenta ng luxury watch na Rolex.

Complete inclusion ang nasabing offer ni upco­ming actor sa rich gay friend namin. At almost a million ang presyo nito na almost new raw.

Pero nagulat kami dahil ganun na pala kayaman ang upcoming actor, kayang magbenta ng Rolex.

Sino raw kaya ang nagregalo nito sa baguhang aktor?

Kaya lang ayaw makipag-bargain ng friend namin, baka raw kasi imitation lang ‘yun.

Ang dami ngayong fake Rolex kasi na parang totoo unless marunong tumingin ang bibili.

Kaya say ng baklang madatung, magkita muna sila at saka niya kikilatisin ito. Kung ‘yung relos o kung ‘yung actor. Hahaha.

Tamang panahon G Aldub, binuhay ni Alex

Trending ngayong 2025 ang komedyanteng si Alex Calleja dahil meron siyang stand-up comedy special na ipinalalabas na sa  simula noong Feb. 7, ang Tamang Panahon, at may world tour pa kasama ang grupo niyang The Comedy Crew simula Feb. 16.

Naglalaro sa Number 1 and 2 ang Tamang Panahon sa Top 10 TV shows in the Philippines today.

Na para sa kanya ay ito talaga ang tamang panahon sa punto ng career niya. Kasi, tingin niya, mas meron na siyang influence ngayon, puhunan at kilalang mga kaibigan para tuparin ito.

Dagdag pa niya, tamang panahon na ipinalalabas ito sa isang higante’t global streaming platform tulad ng Netflix para mas lumawak ang reach ng Pinoy stand-up comedy.

Pagbabalik-tanaw ni Alex, noong 2007 na nagsisimula siya bilang stand-up comic, “halos walang tao sa mga open mics namin noon. Minsan ‘yung madadatnan mo nagmi-meeting pa.”

Ang isa pa umanong rason kung bakit pinili niya ang titulong Tamang Panahon ay dahil sa AlDub (ang sikat na tambalan nina Alden Richard at Maine Mendoza), sa Eat Bulaga.

“Ang isa rin sa mga dahilan kung bakit tamang panahon, I was a writer of Showtime at isa sa mga nagpahirap sa akin sa Showtime nu’ng 2015, eh, ’yung pagpasok ng AlDub. Taong 2015 po ‘yun. July po, tandang-tanda ko. July nagkatinginan si Maine saka si Alden. Pagtinginan nila, susmaryosep, kagagawa lang namin ng Funny One nu’n. ‘Yung Funny One po, ‘yun po sana ‘yung way para makilala ang mga stand-up comedian. Ang nanalo po du’n kasama namin sa grupo.

“Ilang linggo lang nagkatinginan si Maine at Alden, hindi na po kami naka-recover du’n. Hindi sila nagsasalita. Oo, pinagsama-sama namin si KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil), saka si JaDine (James Reid and Nadine Lustre). Ten percent po kami sa Araneta, 30 percent po ‘yung Eat Bulaga nu’n. Nakaraos lang kami nu’ng January nu’ng pinasok namin ‘yung ‘Tawag ng Tanghalan’ at ‘Trabahula.’

“So ngayon naman para mapakinabangan ko naman ‘yang ‘Tamang Panahon’ na ‘yan, ‘yan po ang ginamit ko. And, of course, isa rin sa mga goal ko para sana maging successful ito is to open again doors for my fellow comedians, our Comedy Crew. Nakita n’yo naman sila, sinampol nila ‘yung maikli para makilala n’yo. Kasama ko naman sila sa Feb.16 sa Singapore. Ang goal ko talaga is magdala ng mga stand-up comedians sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ‘yan last year,” mahaba pang paliwanag ni Alex sa pamagat ng stand-up comedy special na super trending pa rin habang sinusulat ko ito.

Presented in Tagalog, ang Tamang Panahon na target ang mga Pinoy at sa abroad.

Samantala, ang kanyang world tour kasama ang The Comedy Crew ay magsisimula sa Singapore sa Feb. 16, susundan ng USA mula April 4 to 13; Canada, May 23 to June 8: UAE, Australia at New Zealand (dates to be announced).

Mga palabas na pelikula, aprubado ng MTRCB

Tiyak na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong Linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na Out of the Nest, tungkol sa isang kambing at pitong nakakaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na IU Concert: The Winning, ay parehong rated G (General Audience). Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.

Ang Firefighters, na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang Woodwalkers, na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo, ay parehong rated-PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakakatanda.

Para sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang Peter Pan’s Neverland Nightmare na rated R-16 at R-18.

Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood.  Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

R-16 at R-18 din ang The Baby in the Basket, dahil sa tema, kababalaghan at lengguwahe.

Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Ms. Sotto-Antonio.

ALEX CALLEJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with