^

Pang Movies

Kapalit ni Toni Gabbi, sumubok na noon sa PBB

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kapalit ni Toni Gabbi, sumubok na noon sa PBB
Gabbi

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na pinakilala nang bagong host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Lutang ang saya ni Gabbi nang ipakilala siya sa All-Out Sundays dahil ibinahagi niyang sinubukan niya rin pa lang mag-audition sa PBB Teen Edition noong taong 2012 pero hindi nga siya pinalad.

Ipinost niya pa ang litrato niya habang nasa audition at nene pa nga siya roon na wala masyadong pinagbago ang mukha.

Mukhang mas tadhana nga raw na maging host siya kaya hindi siya sinuwerte noon.

Kaabang-abang nga raw ang mga mangyayari dahil ito ang kauna-unahang beses na magsasama-sama ang Sparkle at Star Magic artists.

In fairness, walang nag-nega sa pagiging host ni Gabbi sa PBB dahil halos lahat ay sang-ayon na deserved niya na ilang beses na rin naman niyang ipinakita ang galing sa hosting kagaya na lamang sa Miss Universe Philippines.

May mga basher naman na nagkomento na finally raw ay nakahanap na ng kapalit ng PBB host na si Toni Gonzaga na parang wala nang balak bumalik sa Bahay ni Kuya.

Request nga ng mga netizen ay sana raw papasukin si Gabbi bilang guest sa Bahay ni Kuya ng ilang araw dahil lahat daw ng hosts nito ay naranasan iyon.

Sey naman ni Gabbi ay malalaman daw sa takdang panahon at isa iyon sa pakaabangan.

Maaalalang isa siya sa hula ng mga netizen sa magiging bahagi ng host ng PBB at tama nga ang hula nila.

Ngayon pa nga lang ay pinaghahanda na si Gabbi dahil baka gugulatin lang din daw ito ni Kuya at bigla na lang papasukin na siguradong excited siya dahil matagal na nga niya iyon gusto. Bongga.

GABBI GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with