Jake, nilinaw ang ‘feelings’ kay Andi!

MANILA, Philippines — Nakakaloka naman itong mga netizen na ayaw pa ring tigilan si Jake Ejercito sa kakukulit na sana sila na lang daw ni Andi Eigenmann, pagkatapos nang masalimuot na pagsasama nito kay Philmar Alipayo.
May nagko-comment pang sa tingin daw nila ay may feelings pa rin si Jake sa ina ng kanyang anak na si Ellie.
Nag-react na nga nga ang aktor sa interpretasyon ng mga netizen sa FB post ni Jake na “Wala akong feelings about it.”
Ang buong akala nila may kinalaman ito sa mainit na isyu nina Andi at Philmar.
Hopiang-hopia ang mga follower nila na magkabalikan na sila at sana sa ending daw ay sila na magkatuluyan, lalo na’t may anak na sila, si Ellie.
Kaya sinagot na sila ni Jake na ang post na ‘yun ay tinutukoy pala sa quote na “wala akong feelings about it,” na sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng Impeachment laban sa kanya.
Aniya, “Stop putting a spin into the post. Dahil dito lang yan,” naka-attach ang link na artikulo sa Sunstar tungkol kay VP Sara.
Kahapon naman ay nag-post uli si Jake na nagsi-swimming sa pool, at ang nasa caption ito “Cause we’re living in a world of fools” at ang music background nito ay ang kantang How Deep Is Your Love ng Bee Gees.
Isang oras pa lang niya itong nai-post, mahigit 400k views na at halos 2k na ang nag-comment at mahigit 2k naman ang nag-share.
Halos ganun pa rin ang mga comment sa kanya na balikan na nito si Andi.
Kinukulit pa siyang i-comfort naman daw nito si Andi. Nakakaloka itong mga netizen na akala nila ang buhay ng mga artista ay parang nasa teleserye ring pinapanood nila.
Pati si Albie Casiño ay napansin din ng ilang netizens at nag-comment sa isang post niya tungkol sa pinagdaanan ngayon ni Andi.
Sabi nung nag-comment, “dodge a bullet with Ando that’s for sure.”
Sinagot ito ng aktor ng tatlong laugh emoji.
Jeff Moses, itinanggi si Jillian
Natatawa na lang ang Sparkle artist na si Jeff Moses sa kantiyaw sa kanya ng mga reporter na dapat ay siya ang partner ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl.
Naging close sina Jeff at Jillian nang magkasama sila sa Abot-Kamay Na Pangarap. Pero kinlaro rin ni Jeff na close friend din daw niya si Michael Sager na leading man ni Jlllian sa drama series na ito ng GMA News and Public Affairs.
Sabi ni Jeff, masaya raw siya para sa mga kaibigan niya, kaya binati niya ito.
Napapangiti na lang si Jeff nang sinabi sa kanyang siya dapat ang bagay na leading man sa seryeng ito. Lalo na’t Ilonggo pa naman siya.
Totoo bang sumama ang loob niya na hindi siya ang kinuhang leading man ni Jillian dito sa My Ilonggo Girl?
“Actually hindi po. Ako, honest po ako na sila binigyan ng project ganyan. Si Michael close ko, si Jillian close ko rin,” pakli ni Jeff nang makatsikahan namin sa media conference ng bagong afternoon drama nilang Binibining Marikit.
Natawa na lang si Jeff na iniintriga siyang niligawan daw niya noon si Jilian.
Hindi raw totoo ‘yun, dahil nabuo raw ang magandang friendship nilang dalawa.
“Sa totoo lang po, sobrang lapit po namin sa isa’t-isa, close kami.
“Ano naman kami ni Jillian talaga, like ever since sa show, sobrang close namin. Maganda ‘yung friendship talaga namin ni Jill,” dagdag niyang pahayag.
Nakakatuwa raw na maganda ang feedback sa tandem nina Jillian at Michael na pareho niyang kaibigan.
Thankful din si Jeff na hindi naman siya pinapabayaan ng GMA 7.
Maganda ang role niya sa Abot-Kamay Na Pangarap, at pagkatapos nito, binigyan din siya ng magandang role sa Binibining Marikit ni Herlene Budol na magsisimula na ngayong araw pagkatapos ng It’s Showtime.
- Latest