Sarah, ni-like ang birthday ni Eddie!
Naging usap-usapan ang pag-like ni Sarah Lahbati sa post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa pagbati niya sa birthday ng tatay niyang si Eddie Gutierrez.
Binati ng sister ng ex-husband niyang si Richard Gutierrez ang tatay nila sa 83rd birthday nito at ipinost ang mga litrato nilang pamilya kasama ang tatay nila.
“Today, we celebrate not just another year of your life but the incredible man you are every single day,” simula ng post ni Ruffa.
Binati rin niya ito sa role nito sa programang Incognito na pinagbibidahan nina Richard, Daniel Padilla at iba pa, na nananatili raw no. 1 sa Netflix at iWantTFC.
Pagkatapos daw ng 67 taon sa industriya ay ginagawa pa rin nito ang mahal niya, ang pag-arte. Pati na rin daw ang pagkanta ng Blue Suede Shoes ng idolo nitong si Elvis Presley.
At sa huli ay sinabi nitong mahal nila ang ama.
Mabilis namang napansin ng mga matanglawin ang pag-like ni Sarah sa post ni Ruffa.
Maaalalang matapos kumalat ang intrigang hiwalay na sina Sarah at Richard ay isa si Ruffa sa nag-unfollow kay Sarah.
Pero mukhang patunay raw ito na naging mabait si Eddie sa dating manugang. Hindi naman daw ito ila-like ni Sarah kung hindi raw naging maganda ang relasyon niya sa dating father-in-law niya at fino-follow pa rin niya ito.
Pansin nga ng mga netizen ay lutang ang kabaitan ni Eddie sa mga manugang niya gaya na lamang noong mapanood nila ang eulogy sa pumanaw nitong manugang sa anak na si Elvis na si Alexa.
At maganda pa rin naman daw ang relasyon ni Sarah sa mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice kaya hindi imposible na maayos din ang relasyon niya kay Eddie.
- Latest