Julie Anne, nililihim ang susunod na gagawin
May big teleserye comeback ngayong taon ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nabanggit ni Julie Anne na excited na ito sa kanyang upcoming series.
“I can’t spoil it yet pero I’m very, very excited because I’ll be working with my friends. ‘Yun lang masasabi ko muna,” banggit ni Julie Anne.
Nagbalik-concert na rin si Julie Anne simula ngayong taon. Kamakailan lamang, nag-perform ito sa Aegis’ Valentine Special concert na nagsilbi rin na isang tribute para sa yumaong member nito na si Mercy Sunot.
“Their music still lives on and patuloy silang magiging legends of OPM,” ayon kay Julie Anne.
Napasama rin ang Asia’s Limitless Star sa concert ni Vehnee Saturno kung saan nagkaroon sila ng reunion nina Kyla at Rita Daniela na nakasama niya noon sa talent show na Popstar Kids.
- Latest