Jarren, masisilayan na ang bagong era!
MANILA, Philippines — Panibagong era ang masisilayan mula sa Pinoy Big Brother: Gen 11 ex-housemate na si Jarren Garcia matapos ilunsad ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng StarPop.
Tampok sa album ang walong awitin kasama ang R&B key track na Gimme, Gimme, Gimme na tungkol sa lalaking na naghahanap ng tamang babae sa kanyang buhay.
“It talks about finding and receiving the love that you deserve after being with someone that didn’t appreciate you,” saad ni Jarren sa panayam ng PUSH.
Isinulat ito ni Jarren kasama sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music operations and creative head Jonathan Manalo.
Ilan din sa laman nitong awitin ay ang Make It, Make It Sense, Impulsive, Pardon My Pace, Never Go Away, Future, Without Warning, at Hits Different.
Aabangan din ng fans ang That Boy, Jarren album launch at fan meet kung saan makakasama ni Jarren ang special guests na sina Kai Montinola at Kolette Madelo sa SM City North Edsa Skydome ngayong Peb. 8 (Sabado). Sold-out na ang regular tickets (P1,699) nito habang available ang VVIP (P3,499) at VIP (P2,799) sa SM Tickets outlets.
Bago ang kanyang PBB journey, sumabak si Jarren sa The Voice UK noong 2020. Kasalukuyan siyang mapapanood bilang VJ sa music channel na MYX, bahagi ng Rockoustic Heartthrobs ng ASAP, at regular guest sa It’s Showtime.
Pakinggan ang debut album ni Jarren at samahan siya sa That Boy, Jarren album launch at fan meet ngayong Peb. 8. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram at TikTok.
- Latest