Maxene, idinisplay na ang bagong jowa
Ang bongga naman ni Maxene Magalona na nag-flex na ng kanyang bagong karelasyon sa social media na nagngangalang Geoff Gonzalez.
Sunud-sunod ang post ng anak ni late Master Rapper Francis Magalona ng mga litrato at video nila sa isang event kung saan magkasama sila.
Makikita rin sa mga post niya ang mga celebrity kung saan kasama rin ang mga partner nila na ka-date nila sa event gaya nina Elisse Joson at McCoy de Leon; Beauty Gonzalez at mister nitong si Norman Crisologo; Sofia Andres at Daniel Miranda; pati na rin sina Nadine Lustre at Christophe Bariou.
Sa caption ay sinabi niya na mas pinili niya ang love kesa sa fear.
Kumalat na nakaraang taon ang mga litrato ni Maxene kasama ang guy nang dumalo ito sa kasal ng aktres na si Angelica Panganiban.
Nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen na tila meron na itong bagong lovelife pero nanatili itong tahimik tungkol doon.
Napansin din kasi ng mga ito na mukhang bumalik na ang dating awra ni Maxene at naging blooming na uli ito.
Maaalalang kinasal sila ng dating mister na si Rob Mananquil na nauwi rin sa hiwalayan.
Bongga. At least open na siya.
- Latest