Kasama si Kyle Piolo, sinugalan si Bela!
Mukhang may ginagawang proyekto si Bela Padilla kasama sina Piolo Pascual at Kyle Echarri base sa mga pinost nitong litrato.
Magkahawak-kamay nga sina Bela at Papa P sa dagat. Sa caption sinabi niyang si Papa P ang unang tao na nag-yes sa isang full length feature film script na sinulat niya ilang taon na ang nakalipas.
Nagpasalamat siya sa aktor sa pagsugal nito sa mga kaibigan niya. Ilan pa sa pinasalamatan ng aktres kay Piolo ay sa pagmamahal nito sa industriya nang sobra na willing itong sumubok nang paulit-ulit.
At sa huli ay sinabi niyang “Excited to “play” with you again @piolo_pascual” na may heart emoji sa dulo.
Ang litrato raw ay kuha para sa shoot nila ng araw na iyon.
Habang nag-post pa siya ng isang litrato na hiwa-hiwalay nilang polaroid photos nina Piolo at Kyle.
Sabik nga raw siya na makaeksena si Kyle na hindi lang siya nasa picture frame na ang tinutukoy ay ang pagganap niya bilang nanay nito na pumanaw sa huli nilang serye.
Nasabik naman ang mga tagahanga nila dahil mukhang malalim daw ang tema ng proyekto nilang tatlo.
Tanong nga nila, ano raw kaya ang papel nina Piolo at Kyle? Mag-ama raw kaya ulit sila gaya ng nagtapos nilang serye na Pamilya Sagrado?
Wish ng mga fan nila ay iba naman ang atake nila.
Bongga.
- Latest