Sandara, nag-viral sa tribute sa nag-impluwensiya sa kanyang kabataan
Viral ngayon ang video ni Sandara Park performing Ni Yao De Ai (The Love You Want) na isa sa OSTs (original soundtrack) ng hit Taiwanese series na Meteor Garden.
Ang nasabing iconic song ay inawit ni Sandara sa Kaohsiung New Year’s Eve Party in Taiwan last January.
The video went viral dahil napakaraming netizens ang nagre-reshare nito ngayon sa social media bilang tribute sa pumanaw na lead actress ng Meteor Garden na si Barbie Hsu.
Pawang lungkot ang naramdaman ng Meteor Garden fans habang pinapanood ang video ng performance ni Dara. Ang iba ay nagkomento pa na naiiyak daw sila.
Nagkomento naman si Sandara sa isang netizen na nag-reshare nito at nagpahatid ng pakikiramay sa pagpanaw ni Barbie.
“Rest in peace Barbie Hsu. I got influenced by you since when I started my career. We will always remember you,” mensahe ng pakikiramay ng dating miyembro ng 2NE1.
Matatandaang pumanaw si Barbie nitong nakaraang Feb. 2, 2025 habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang pamilya. She was 48.
Kinumpirma ng kapatid ni Barbie na si Dee Hsu na pneumonia ang ikinasawi ng Meteor Garden star matapos itong magkaroon ng influenza.
Si Barbie ang gumanap na Shan Cai sa Meteor Garden kasama sina Jerry Yan (Dao Ming Si), Ken Chu (Xi Men), Vanness Wu (Mei Zuo) and Vic Chou (Hua Ze Lei).
UMD OG member Norman Santos, pumanaw sa kidney failure
Pumanaw na ang original member ng Universal Motion Dancers (UMD) na si Norman Santos due to a kidney failure. He was 52 years old.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang partner na si Chato Maria sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Ayon sa post ni Chato ay matagal ding nakipaglaban si Norman sa sakit sa kidney at 12 years na itong nagda-dialysis.
“It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years,” ang pahayag ni Chato.
Inanunsyo rin niya na magkakaroon ng tentative viewing Feb. 12 to 16 sa St. Peter Memorial Chapel in Tabacuhan, Olongapo City.
Nag-post din ang official page ng UMD sa FB at ipinaalam din ang pagpanaw ni Norman.
“Isang kapatid kasamahan namin sa grupo ang pumanaw na po si tol Norman Santos, Mahal ka namin tol at ma mimiss ka namin tol sobrang nalulungkot kami sa pangyayari nabawasan na naman po kaming isang Legendary na kapatid..pakikiramay sa pamilya PAALAM SAYO TOL NORMAN UMD FOR LIFE,” ang post ng UMD.
Nag-post din si Wowie de Guzman ng mensahe ng pamamaalam sa pumanaw na dating kasamahan.
“UTOL....mahal na mahal ka namin.Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli..at the end of the day magkakapatid tayo.Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat.. Pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sayo Man..mahal na mahal ka namin...hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo...we love you Norman Santos UMD for Life...kitakits tayo nila Gerald sa finals ng buhay ko,” saad ni Wowie.
Matatandaang sumikat nang husto ang UMD noong dekada ‘90. Ang iba pang miyembro nito ay sina Wowie de Guzman, Brian Furlow, Marco McKinley, Gerry Oliva, Jim Salas, James Salas, at si Gerard Fainsan na pumanaw na rin noong 1997.
Ilan sa hindi malilimutang dance performances nila ay Always by Erasure, Stars by Simply Red, Dying Inside to Hold You by Timmy Thomas, How Gee by Black Machine, and Close To You by Whigfield.
- Latest