Shawn Crab, haharapin ang Pag-Ibig
MANILA, Philippines — Carefree at bubbly energy ang hatid ng bagong StarPop artist na si Shawn Crab sa kanyang bagong awitin na Love Has Come My Way.
Tungkol ang awitin sa ligaya na dala ng pag-ibig at kung paano ito nagbibigay lakas para harapin ang hamon ng buhay. Ito ang unang single ni Shawn sa ilalim ng StarPop.
Mula ito sa komposisyon ni Leonardo Quinitio at produksyon ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Lumaki sa San Francisco, California si Shawn at maagang nahasa ang kanyang talento sa musika dahil sa pagtugtog ng gitara, piano, at pagsusulat ng mga kanta sa edad na 11.
Noong 2023, inilabas niya ang dalawang singles na Is it too late? at This Fall, I’m Falling Hard na parehong umani ng mahigit 50,000 streams sa Spotify.
Bilang singer-songwriter, naging self-expression niya ang musika para ipahayag ang damdamin at karanasan. Ilan sa kanyang musical influences ay sina Billie Eilish, Frank Ocean, at Clairo.
Napapakinggan na ang bagong awitin ni Shawn na Love Has Come My Way sa iba’t ibang streaming platforms.
- Latest