Alden at Julia, naudlot ang love story!
Marami agad ang na-excite nang may lumabas na photo nina Julia Barretto at Alden Richards na tila nasa recording booth at nagre-recording. May nag-comment na baka recording ‘yun para sa pagtatambalan nilang pelikula.
May mga natuwa na baka sign na ito matutuloy na ang pelikula nila na collab ng Viva Films at GMA Pictures.
Maaalalang last year pa nabalita na magtatambal sila sa pelikula at dapat, mas nauna pa sa Hello, Love, Again. But for some reasons, hindi natuloy na hindi rin naman sinabi kung bakit.
Kaya understandable ang excitement ng fans nang may lumabas na photos ng dalawa at panalo ang face card nila.
Pero mabilis ang pangyayari, bokya sila dahil hindi pala para sa pelikula at lalong hindi para sa TV ang project nila, recording ‘yun para sa isang endorsement nila. Pero, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang fans na someday, matuloy rin ang pagsasama nila sa pelikula at marami raw ang matutuwa kapag nangyari ‘yun at pakiusap nila, sana love story o drama ito.
Ramon Christopher, pasok sa Lisik…
Mas gusto namin ang bagong poster ng Lisik Origin Point, mas maliwanag at kita ang mukha ng cast. Maganda ang original poster at comment nga ng ibang press, may Korean horror feels, kaya lang, madilim, hindi makilala ang cast.
Sa bagong version, malinaw ang mga mukha ng mga bidang sina Nika de Guzman at Grace Rosas Tayo, at pati ang mukha ni Ramon Christopher na may special participation sa movie. May Korean horror feel pa rin naman ito at pati ang trailer na malakas ang appeal sa Gen Z.
Kahit may mga bumabatikos na gaya ang Lisik Origin Point sa Korean zombie series, pinapanood pa rin ang trailer at masipag mag-comment ang fans at non-fans. At least, may engagement, kaya naniniwala ang director nitong si John Renz Cahilig at ang producer ng movie na si Dominic Orjalo ng Domniel International Films Production na may interes at curious ang netizens.
Showing sa Feb. 19, 2025, ang Lisik at may R-13 rating sa MTRCB. Kahit magiging limited ang moviegoers, tiwala pa rin ang producer at director na susuportahan ang pelikula. Sa SM Tungko, San Jose del Monte City sa Bulacan ang premiere night nito dahil sa isa sa mga school ng producer na si Dominic ang location ng movie.
Umaasa rin ang producer at director nito na susuportahan ang pelikula para bumalik ang puhunan ng producer na P10M at para matuloy ang sequel nito. Plus, may iba pa silang naka-line up na gawin.
- Latest