^

Pang Movies

Singer turned actor na si Josh Santana, binuhay ang alaala ng Meteor Garden

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Nagbigay rin ng tribute sa pagpanaw ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang singer-turned-doctor na si Josh Santana.

Si Josh ang umawit ng Tagalog version ng theme song na Qing Fei Di Yi na mula sa  pinagbidahang Taiwanese series ni Barbie kasama ang F4 na Meteor Garden.

On Instagram, binigay nga ni Josh ang request ng netizens na awitin ang Can’t Help Fallin.

Josh Santana is now a doctor and online content creator. Naging regular performer siya noon sa ASAP at nakapareha si Carol Banawa sa teleserye na Bituin noong 2002.

Max, sa ere magpapalipas ng araw ng mga puso

Ngayong nalalapit na ang Valentine’s Day, ibinahagi ng Sexy Authoriteam kahapon na sina Chelsea Manalo, JC De Vera, at Max Collins ang kanilang mga plano para sa araw na iyon.

Sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime ibinahagi ng Miss Universe Asia na ipagdiriwang niya ang Valentine’s Day kasama ang kanyang pamilya. Ayon naman sa hunk actor, bibigyan niya ng bulaklak ang kanyang dalawang anak na babae at asawa at magkakaroon sila ng simpleng dinner. “Ide-date ko ‘yung mga anak ko, bigyan ko sila ng tig-isang roses. ‘Yun talaga ‘yung ginagawa ko yearly, bumibili ako ng flowers kasi tatlo na silang babae, ‘yung wife ko tas dalawang babaeng anak. Tapos dinner lang, simpleng dinner lang,” sabi ni JC.

Kwento naman ng Kapuso actress, siya ay nasa biyahe pabalik ng Pilipinas mula New York sa araw ng mga puso. “I’ll be in the air. Kasi wala akong Valentine’s e so ‘yung ginawa ko, tinapat ko ‘yung flight ko pauwi from New York on the 14th. Para sakto pag-uwi ko, pagdating ko rito 15 na. ‘Di ba smart, so smart,” ani Max.

METEOR GARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with