Mark, aminadong hindi na namimili ng trabaho

Nagsalita na si Mark Herras tungkol sa kontrobersyal na pagsasayaw niya sa isang male entertainment bar kamakailan na talaga namang pinag-usapan nang husto sa showbiz at sa social media.
Sari-saring reaksyon kasi ang natanggap ng aktor dahil sa pagsasayaw niya sa Apollo. Mayroong naawa sa kanya at mayroon namang nalungkot. Ang iba naman ay binatikos siya’t sinabihan ng kung anu-anong hindi magandang salita.
Sa panayam kay Mark ni Toni Gonzaga sa vlog na Toni Talks, ipinaliwanag niyang nagtatrabaho lang naman siya.
“Kung napansin niyo talaga, ang tahimik ng buhay ko. Wala akong isyu na nangyayari except this last one na sumayaw ako sa gay bar, ‘di ba?” simula ni Mark.
“Pero hindi ko siya planado. Kumbaga, sumayaw ako kasi trabaho. Basta ang goal ko kasi, to provide,” aniya.
Okay lang naman daw sa kanya at tanggap niya kung wala na siya sa limelight. Pero ang importante raw ay may trabaho pa rin siyang ginagawa.
Tinanong daw siya ng isang nagmamalasakit sa kanya kung gusto raw niyang rumaket sa gay bar bilang performer/dancer. Naisip naman daw niyang wala namang masama kung magsasayaw lang siya.
“So, ako, dumating ako du’n as performer talaga, as guest nila. Kung ano ‘yung ginagawa ko sa mga raket fiesta. Nagkataon lang na gay bar siya,” aniya.
“Hindi naman ako naghubad eh. Hindi naman ako sumayaw na parang macho dancer or what. I performed, I danced to hip hop, ganu’n. Hindi naman ako nagpa-table or what,” paliwanag niya.
Nagulat na lang daw siya na nag-trending na at naging issue ang pagsasayaw niya sa gay bar. Grabe raw maka-judge ang ibang tao at kung anu-ano na ang sinabi sa kanya na kesyo wala na raw siyang career. Ang iba raw ay pinagtatawanan pa siya.
Pero natutuwa naman siya na may mga nagtanggol din naman sa kanya.
“Hindi naman ako humihingi ng awa pero nasa stage ako ng buhay ko na wala akong pakialam sa mga sinasabi nila,” sambit ni Mark.
Ayon pa sa aktor ay hindi naman daw siya namimili ng trabaho. “Hindi ako namimili. Basta ako, trabaho, okay ako. So ngayon, nung in-offer-an ako sa Apollo, why not? Trabaho ‘yan, eh.
“Meron nga akong tinatanggap na mga trabaho, parang magpe-perform ako, parang sa party lang na events place na maliit lang. Still, it’s work, trabaho,” paliwanag pa niya.
Para raw sa anak niya kaya tumatanggap siya ng kahit anong trabaho.
“Ayokong dumating ‘yung time na manghihingi ‘yung anak ko ng pera sa ibang tao dahil wala akong maibigay,” sey ni Mark.
Ayon pa sa aktor, para sa pamilya niya ay kaya niyang lunukin ang kanyang pride.
“Hindi talaga ako papayag na masira, o magkaroon sila ng buhay na hindi dapat mapunta sa kanila. Like for example, hindi sila makapag-aral. Kaya kong gumawa ng paraan para makapag-provide, in a legal way, para lang sa pamilya ko.
“Kumbaga, pride ko, kaya kong lunukin ‘yan. Kaya kong alisin ‘yung hiya ko sa katawan or pagiging pagkalalaki ko, para lang sa pamilya ko,” deklara pa ni Mark.
Catriona, Michelle at Celeste, aminadong nagpa-lipo
Inamin ng beauty queens na sina Catriona Gray, Michelle Dee at Celeste Cortesi na sumailalim din sila sa sensiya ng pagpapaganda.
Sa video na ipinost ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram ay mapapanood ang tatlong beauty queens na ikinukuwento ang kanilang ginawang pagpapa-liposuction sa Belo Medical Group.
Ayon kay Miss Universe 2018, first time raw niyang magpaalis ng taba sa likod ng kanyang braso at aminado siyang nakatulong ito sa kanya para magkaroon ng self-confidence.
“I even tried lipo for the first time here at the back of my arms. You could just see that that’s just a little thing that I did and I’m able to carry myself in a certain way because I feel that, and that translates to confidence for me,” sey ni Catriona.
Ini-reveal naman ni Celeste na nagpa-lipo siya bago siya sumali sa Miss Universe 2022.
“It was two weeks before going to Miss Universe,” pagbabahagi ni Celeste.
Kwento naman ni Dra. Vicki, “It’s so funny. She told me, ‘Doktora, I have no confidence. I cannot compete because my arms are big.’”
Itsinika rin ng celebrity doctor habang isinasagawa ang procedure kay Celeste ay gising ito at sa kabutihang palad ay nag-heal naman daw agad ang beauty queen after 3 days.
Si MMD naman ay nagpa-lipo matapos siyang manalo sa Miss Universe Philippines 2023. “I did get lipo in my back, specifically around my waist,” pag-amin ni Michelle.
“As you grow, I’m sure a lot of us will realize that we have stubborn areas. Of course I tried my best to lose weight, then it became really stubborn, and you just need that extra love,” dagdag pa niya.
- Latest