MANILA, Philippines — Wala pang sagot si Rufa Mae Quinto sa kumpirmasyon ng mister na si Trevor Magallanes na inaayos na ang kanilang divorce.
Bago ito ay nag-post pa siya ng mensahe sa kanyang Instagram page na “Kaya pa” kalakip ang glam photos niya na as if hindi siya apektado sa mga nagaganap na pagsubok kabilang na ang demanda sa kanya kaugnay sa pagiging endorser ng isang derma clinic.
Hanggang pinag-usapan ang diumano’y paghihiwalay nila ng mister na napabalita rin na diumano’y inaresto sa Hawaii pero walang kumpletong detalye.
Marami namang followers niya ang nagbibigay ng lakas ng loob kay Rufa Mae pero wala itong sinasagot.
Samantala, animo’y nalampasan na ni Neri Naig ang mga kasong kinakaharap.
Nag-celebrate sila ng 10th anniversary kahapon at nag-post ang bokalista ng Parokya ni Edgar, si Chito Miranda, upang batiin ang misis na nakulong kamakailan.
“Happy 10th Anniversary, asawa ko.
“After 10yrs of being married, masasabi ko talaga na mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan.
“Sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil bliness Nya ako with someone as wonderful and as loving and as sweet as you.
“You are living proof that one can go through hell and back and still choose to be kind.?”
Binti ni Bong, namamanhid pa rin
Ninety five percent healed na ang injury sa Achilles tendon ni Sen. Bong Revilla.
Maaalalang inamin ni Senator Bong noong May na muling nagbukas ang kanyang sugat sa Achilles tendon surgery. Sinabi that time ni Sen. Bong na pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na kumuha ng medical leave sa Senado dahil ipinagpatuloy niya noon ang pagdalo sa mga sesyon.
Dumanas ang aktor / pulitiko ng bahagyang pagkapunit ng kanyang Achilles habang kinukunan ang isang running scene sa kanyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis season 2, at nagrekomenda ng operasyon ang kanyang mga doktor.
Ngayon ay umaatikabo ang action scenes niya sa season 3 ng WMNPSMNM. “Sabi ko nga ngayon 95%. Hindi ko masabing 100 (healed) dahil may numbness pa ng konti, 95 % naman,” banggit ng aktor / pulitiko.
Bongga ang mga eksena nila sa bagong season ng kanyang family comedy show na mapapanood na ulit sa GMA 7 umpisa sa Dec. 22.
Na bukod sa konting ensayo sa mga bakbakan, kung saan may ipinakita silang eksena na tumilapon siya sa flyover, regular na rin ang workout niya bagama’t sa sobrang busy aniya, hindi pa rin masasabing normal ang lahat sa kasalukuyan.
“Dati everyday eh, ‘di ba. Eh, palagi akong punong-puno ng schedule everyday,” sabi niya na mas pumayat ngayon.
Pero meron na rin pala siyang maintenance.
“Meron na. Meron na rin,” pag-amin niya.
“Sa high blood. Natural na ‘yun.”
Nagda-diet din siya kaya nga nabawasan ang kanyang timbang.
“Oo, diet. Hindi na tayo bata. Usually, when you reach 40, maintenance ka na eh ‘pag erratic ‘yung BP (blood pressure) mo,” sabi pa niya sa amin.
Sa ipinakitang trailer, palaban siya sa mga matitinding aksyon ala-Coco Martin. Talagang all-out.